^

Pang Movies

John Lloyd at Ellen may sabit daw sa mga endorsement!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
John Lloyd at Ellen may sabit daw sa mga endorsement!

Ellen Adarna at John Lloyd Cruz

Pareho raw sasabit sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa kanilang mga endorsement oras na lumantad silang magkakaanak na. ‘Yan ay kung true nga na preggy ang sexy actress na walang inaamin kahit na nga kalat na kalat na ang balitang kumpirmadong nagdadalang-tao nga siya at si John Lloyd ang ama.

Naka-stipulate diumano  sa endorsement contract nila na dapat ay wala silang eskandalong sasalihan. Ang kay Ellen pa nga raw ay naka-particular na hindi puwedeng mabuntis ayon sa isang nagkuwento hangga’t nakakontrata siya.

Mas maraming endorsement ang actor na ang iba ay pampamilya ang target. Si Ellen ay sexy ang image at kalalakihan ang market at kung buntis nga naman siya, paano pa siya iilusyunin ng fans.

Pero ang sabi, sa sobrang yaman ng pamilya ni Ellen keri nitong bayaran ang contract para lang hindi ito mademanda.

Paano kaya si John Lloyd? Unless siguro pakasal sila ni Ellen. Wholesome at mga bata ang market ni John Lloyd at hindi nga raw tanggap ng fans niya ang nangyayari sa kanila ni Ellen.

Wala pa namang confirmation na on her family way na ang sexy actress na ang huling IG story ay madilim kaya hindi maaninagan kung totoo nga bang lumalaki ang tiyan niya.

Erwan Heussaff at Anne Curtis

Anne nag-iisang pinoy daw na nakaka-1 million likes!

Grabe naka-million likes ang wedding photo nina Anne Curtis and Erwan Heussaff sa Instagram account ng actress/It’s Showtime host.

Maging ang ibang photos niya ay nakaka-more than 1 million likes.

At ang sabi, si Anne lang ang nag-iisang Pinay celeb na humamig ng million ang likes.

Almost 30 million ang followers ni Anne sa lahat ng social media platforms – Facebook, Twitter, and Instagram.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with