Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Ilang artista na rumampa sa Bench kawawa, ’di kilala kahit feeling sikat na

Kawawa naman ang mga artista na rumampa sa fashion show ng Bench noong Sabado sa Mall of Asia Arena dahil “the who” ang kategorya nila.

“The who” dahil hindi sila knows ng mga nanood kesehodang mababasa sa wide screen ang mga name nila.

Hindi ko na iisa-isahin ang name ng mga artista na hindi kilala at hindi nakilala ng madlang-bayan para hindi na madagdagan ang sadness at embarrassment nila.

Imbes na malungkot, dapat gamitin ng mga artista ang kanilang sad experience para makilala sila ng publiko. Doblehin nila ang sipag at lalong paghusayin ang pag-arte dahil sure na magkakaroon ito ng maganda na kapalit.

ROCCO ginamit ang puwet para mag-iba ng image!

Effective ang pagpapakita ni Rocco Nacino ng puwet sa fashion show ng Bench dahil pinag-uusapan siya.

Hindi madali ang ginawa ni Rocco na hindi naman sexy actor at hindi sanay maghubad sa harap ng maraming tao.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

I’m sure, kinabahan din si Rocco at baka uminom pa siya ng alak para mabawasan ang nerbyos niya.

Hindi naman idine-deny ni Rocco na career move ang kanyang pagpayag na magkaroon ng butt exposure dahil nire-reinvent niya ang sarili. Past thirty ang age ni Rocco kaya kung hindi siya kikilos ngayon, kailan pa?

Winwyn kinabog ang ibang beauty queen, nagmana  ng ‘landi’ ni Alma

Rumampa rin sa Bench fashion show ang mga beauty queen pero natabunan sila ni Winwyn Marquez, ang reigning Reina Hispanoamericana.

Kinabog ni Winwyn ang mga former beauty queen na sina Gwendoline Ruais at Bea Rose Santiago dahil sa kanyang kikay na kikay na paglalakad sa stage. Nakuha ni Winwyn ang strong presence ng kanyang nanay na si Alma Moreno na diyosang-diyo­sa at epitome ng tunay na sex symbol noong kabataan niya.

Richard sikat pa rin, tinilian sa hubaran!

Sina Allan K., Liza Soberano, Teresa Loyzaga, Lucy Torres, Richard Gomez, Ruffa Gutierrez at ang mga magulang nito na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama ang ilan sa mga showbiz personality na nanood ng 30th anniversary fashion show ng Bench.

Sure na sure ako na maligayang-maligaya si Annabelle dahil napuno ng tilian ang venue ng fashion show nang umapir si Richard.

Agree si Eddie sa suggestion na isinali dapat ng Bench sa fashion show ang twin brother ni Richard, si Raymond na sobrang ganda ngayon ng katawan.

Ang fashion show ng Bench ang perfect venue para ipakita ni Raymond ang hunky body na pinaghirapan niya na ma-achieve.

Teresa nag-ala photographer kay Diego

Proud mommy si Teresa sa kanyang anak na si Diego Loyzaga.

Panay ang kuha ni Teresa ng litrato ni Diego habang rumarampa ito sa stage.

Active na uli si Teresa sa pag-arte dahil kay Diego. Nang mag-decide si Diego na umuwi ng Pilipinas para mag-artista, may-I-go home na rin ang kanyang mommy para alagaan siya. Sinabi ni Teresa na wala nang reason para mag-stay siya sa Australia dahil Philippine-based na ang anak niya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: