^

Pang Movies

Tambalan nina Elmo at Janella nawalan na ng kinang?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Tambalan nina Elmo at Janella nawalan na ng kinang?!

Elmo Magalona at Janella Salvador

Solo ng Regal Entertainment ang mahihilig sa horror movies sa pagkapili ng Haunted Fo­rest bilang isa sa official entries ng 2017 Metro Manila Film Festival. Eh, suwerte ang Regal ‘pag ang title ng entry nila ay may salitang haunted gaya nu’ng Haunted Mansion na ipinalabas noong 2015 MMFF. Isa sa top grosser ang pelikula kahit na nga baguhan ang bidang si Janella Salvador, huh!

This time, baguhan din ang bida sa HF, sina Jane Oñeiza, Maris Rascal, Jameson Blake at Jon Lucas. Tanging si Raymart Santiago ang main senior lead actor sa Ian Lorenos movie.

Isinumite rin ng Regal at Idea First Company ang My Fairy Tail Love Story na pinagbibidahan nina Janella at Elmo Magalona pero hindi ito pumasa sa panlasa ng Selection Committee ng festival.

Nag-aalburoto ang fans nina Janella at Elmo. Hindi tumalab ang pagdarasal nila para sa kanilang idolo.

Sa totoo lang, mas maraming natuwa at Haunted Forrest ang entry ng Regal kesa sa Janella-Elmo starrer.  May nagsasabing nawalan na raw ng kinang ang dalawa. Hindi rin kasi kumita ang huli nilang pelikula na Bloody Crayons. Tapos, si Janella, si Jameson Blake na ang kapareha sa Jason Laxamana film na So Connected.

Sa showing ng My Fairy Tail Love Story next year, saka na lang natin husgahan kung oras na para buwagin ang El-Nella loveteam, huh!

Babaeng nagkunwaring kuminis sa isang show, bayad lang daw!

Deceiving naman ang isang feature ng isang magazine show tungkol sa isang babaeng kuminis ang kutis dahil sa sabon na ginamit niya. May nakakakilala kasi sa girl na ‘yon na magpapatunay na totoo namang makinis ang pisngi ng babae kahit noon pa mang hindi niya ginagamit ang produkto, huh!

Eh ang worse, binayaran daw ang girl para umapir sa programa at ilahad ang kuwento ng pagbabago ng pisngi niyang puro pimples umano. Hindi lang malinaw kung ang may-ari ng produkto o ang programa ang nagbayad sa kanya.

Hindi dapat tino-tolerate ‘yang ganyang feature kahit sabihin na sponsored. Pinairal pa rin sana nila ang, “truth in advertising.”

Siyempre, ang host ng programa ang mababatikos sa feature niyang ‘yon. Lumalabas tuloy na kinunsinti niya ang feature tungkol kahit sabihin niyang wala siyang alam doon, huh!

Clique5 members hinahasang mabuti

Wala pang masyadong pruweba ang bagong boyband na Clique5 pero ikinukumpara na sila sa mas sikat sa kanilang grupo na Hashtags. Naniniwala naman ang 3:16 Events and Talent Management Company heads, sina Len at Kathy, na, “They are the total package. Puwede silang kumanta, sumayaw at umarte. Hindi limited ang kanilang talent.”

Ni-launch sa isang presscon ang Clique5 kung saan kinanta nila ang di­gi­tal Christmas song nilang Tuwing Pasko na ginawa ni Joven Tan. Kasama rin sa ginawang kanta ni Tan ang hugot song na Bakit Hindi? at upbeat na Puwede Ba, Teka Muna.

Dumaan muna sa acting workshop sa PETA ang miyembrong sina Marco, Karl, Sean, Clay at Josh bago sumalang sa recording. Patuloy rin ang kanilang voice lessons at personality development.

“Ayaw namin na half-baked o hilaw ang Clique5 kapag isinalang namin. Gusto naming prepared sila at ready talaga sa mundong papasukin,” dagdag pa nina Kathy at Len.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with