^

Pang Movies

Cesar sinisingil ng P32 million na ginamit sa Asean Summit?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

O sinisiraan lang?

Dapat sagutin ni Cesar Montano ang mabigat na paratang ni Marlene Aguilar, ang karakter at palaban na kapatid ni Freddie Aguilar.

Masakit at personal ang mga atake ni Marlene laban kay Cesar na chairman ng Tourism Promotions Board dahil hindi raw mabayaran ang kanyang kaibigan na sinisingil ang Department of Tourism ng P32 million para sa sound equipment na ginamit sa ASEAN Summit noong nakaraang linggo.

Ito ang emote ni Marlene na galit na galit kay Cesar:

“Yung 1 kompanya na nag supply ng sound equipment sa Asian Summit na diu­mano’y may collectibles na 32 million sa DOT na approve na ng mga taong mas ma­taas ang posisyon kay Cesar. Dine-delay niya nang dine-delay daw ang pag pirma sa cheke. Sabi niya matagal daw talaga ang proseso.

“Ang balita ko, ginagamit ni Cesar ang kapa­tid niya. Ito ang inuutusan niyang kumausap sa mga pinagkaka-utangan ng DOT. Ang sabi daw ng kapatid ni Cesar Montano doon sa kompanya, ‘Kung nagmamadali kayo, cheke na lang namin ang i- i- issue sa inyo pero kalahati na lang matatanggap niyo’.”

Actually, nakakalula ang P32 million na payment para sa sound equipment na ginamit sa ASEAN Summit.

Hindi ko alam ang isyu pero knows nating lahat na matagal ma­ningil, lalo na kung mga proyekto ito ng gobyerno.

Gusto ng taumbayan na marinig ang paliwanag ni Cesar dahil sure na may dahilan kung totoo ang bintang ni Marlene na hindi niya pinipirmahan ang mga tseke.

Noong unang upo pa lamang ni Cesar bilang TPB Chair, nasangkot na siya sa intriga na nalampasan niya dahil napatunayan na walang katotohanan ang mga reklamo laban sa kanya. Pagkatapos madamay sa kontro­bersya, tiyak na lalong naging maingat si Cesar sa mga kilos at desisyon niya kaya tiyak na may sagot siya sa akusasyon ni Marlene na gina­gamit ang social media sa pagyurak nang todo sa kanyang pagkatao.

Pia iniintrigang haharangin ang pagkapanalo ni Rachel

Mababaw ang kumakalat na intriga na bilang judge ng Miss Universe sa November 26, hindi papayag si Pia Wurtzbach na manalo ang Philippine representative na si Rachel Peters dahil kapag nag-win ito, magkakaroon siya ng karibal sa mga bonggang product endorsement.

Hindi naman ganoon ang persona­lity ni Pia ‘no! Sangkatutak na ang mga product endorsement niya at kapag nanalo si Rachel, tiyak na matutuwa siya sa tagumpay ng kapwa Pinay.

Kung sakali na manalo si Rachel na Miss Universe, si­gu­radong may kukuha pa rin sa kanya bilang pro­duct endorsers dahil ang dami-daming kumpanya sa bansa natin na puwedeng bigyan siya ng source of income.

Saka magkaiba ang mga persona­lity nina Pia at Rachel. May mga product na si Pia ang bagay na endorser at ganoon din kay Rachel.

Nakaguhit talaga sa palad ni Pia ang maging Miss Universe noong 2015 dahil sa dami ng mga pagsubok na pinagdaanan niya na alam ng lahat bilang na-feature ‘yon sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Kahit noong hindi pa siya nananalo sa Miss Universe, kontrobersyal at makulay na talaga ang life story ni Pia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with