Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sylvia may banta sa girlfriend ni Arjo!

Sylvia Sanchez at Arjo Atayde

Hindi maipaliwanag ni Arjo Atayde ang nararamdaman niya ngayong magkasama na sila sa serye ng inang si Sylvia Sanchez. Ang dalawa ang bida sa Hanggang Saan na mapapanood sa Kapamilya Gold simula sa Nov. 27.

“Hindi pa kasi nagsi-sink-in sa akin, eh. Saka, it’s unexpected, I guess I wasn’t expecting to work with her this early rin. And siguro, I just take it as part of my journey, you know. Everything that’s happening to me right now, every blessing that’s entering, I just enjoy each and every moment, coz you don’t know where it ends

“It’s a blessing, I’m thankful, and ‘yun po, I’m just very excited. I can’t put it into words, eh. Hindi pa kasi nagsi-sink-in sa akin, sa totoo lang,” pahayag ni Arjo sa presscon ng Hanggang Saan.

When asked kung paano katrabaho ang kanyang ina, natatawag sagot ni Arjo, “pakain nang pakain po, akala mo siya ang catering”.

Bukod sa laging nagpapakain ang kanyang ina sa set, normal naman daw at nagkukuwentuhan din sila na parang magkatrabaho rin. In fact, they’re having fun nga raw sa taping at nag-e-enjoy sila.

Bilang ina ay loving naman daw ang kanyang mommy.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“May times din na seryoso, may times na masaya, depende siguro sa mood niya. Bilang Sylvia naman, she’s also very protective, matanong. Well, nabawasan eventually nun’g lumalaki ako. Pero before grabe, ibang klaseng magtanong,” kwento pa ng aktor.

Ayon naman kay Sylvia, mas madali para sa kanya na kasama ang anak.

“Madali for me kasi hugot ng mga emotion, ‘pag malungkot o pag may nangyayari sa kanya, madali for me coz ‘yung role niya, si Paco, ‘pag once na nakita ko siya, pumapasok sa akin na alam mo ‘yun? Nakakadagdag ‘yung anak ko siya sa totoong buhay. ‘Yun ang naging advantage do’n.

“Ang naging disadvantage sa amin, kasi ako ‘yung bully sa set. Binu-bully ko siya,” kwento pa ni Ibyang.

Lagi raw niyang niloloko si Arjo sa pag-i-Ingles nito parati kaya nga ang payo niya rin sa anak, mag-Tagalog ito para mahasa.

Natanong din si Ibyang kung boto ba siya sa girlfriend ngayon ni Arjo na si Sammie Rimando na miyembro ng GirlTrends, ayon sa aktres, basta ang importante raw ay mabait ang babae at marunong rumespeto ng pamilya.

“Ganito lang kasi talaga sinasabi ko sa kanya, kahit sino pa ‘yung dalhin mo sa aking babae, sikat or hindi, mayaman or hindi, basta mahal ako saka ang daddy mo, saka ang pamilya. Marunong makisama. Kung baga, hindi bastos, hindi mapagmalaki, kasi ang hirap nu’n.

“Sinasabi ko sa kanya ‘to, ‘pag ikaw, nag-akyat ka ng girlfriend or mapapangasawa mo na bastos, mapagmalaki sa akin, gagawin kong hell ang buhay mo’. ‘Yun ang sabi ko sa kanya. Kailangan talaga kasundo namin,” sey ni Ibyang.

Mister ni Beauty naloka sa Pusong Ligaw ng misis

Na-shock pala ang asawa ni Beauty Gonzales na si Norman Crisologo nang magkaroon ng Book 2 ang Pusong Ligaw.

Ang alam daw kasi pala nito ay hanggang October lang ang serye pero biglang nagkaroon ng Book 2 dahil na rin sa magandang ratings nito at positive feedback from the viewers.

Of course, natutuwa naman si Beauty na may work siya hanggang Pasko pero dahil kakakasal lang niya ngayong taong ito, hindi pa niya talaga nararanasan ‘yung family life.

Good thing, naiintindihan din naman daw ng mister niya ang kanyang trabaho.

“Sabi naman niya that it can wait kasi I need to make the most of it,” pahayag ng aktres.

Ang Pusong Ligaw ay pinagbibidahan nina Sofia Andres at Diego Loyzaga at kasama rin dito sina Joem Bascon, Bianca King, Enzo Pineda at marami pang iba.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: