Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Aljur natakot dumalo sa birthday ng anak nina Robin at Mariel?!

Wala si Aljur Abrenica sa group photo ng first birthday celebration ng half sister ni Kylie Padilla na si Isabella kahapon.

Sina Kylie at anak lang nila ng actor ang karga ni Kylie sa photo na nakita namin. 

Or baka naman hindi invited ang actor dahil nga sa isyung ang gusto raw ng daddy ni Kylie ay pakasalan na ito ng actor.

Unless humabol siya sa party.

Walang masyadong photos ang nasabing party ng panganay nina Robin at at Mariel Rod­riguez dahil umiiwas daw muna si Mariel dahil nga hindi pa bumabalik sa dati ang katawan niya after ng isang taong panganganak sa eldest nila ng actor unlike Toni Gonzaga and Bianca Gonzales na mga kaibigan niyang parang mga hindi nanganak.

Ang anak lang nila ni Robin ang madalas na nasa social media accounts nila ni Robin.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pero may mga iba namang nag-upload ng photos nila sa party na mabilis na kumalat sa social media kahapon.

Nakawala na sa rehab JM de Guzman nakahanap ng life saver

Mabuti naman at magkakatrabaho na ang actor na si JM de Guzman na matagal-tagal na ring nawawala sa eksena.

May Instagram post siya kasama ang mga producer ng TBA Studios kahapon. Obvious na may gagawin siyang proyekto sa nasabing film studio. “Mr. Ed Rocha and Mr. Fernando Ortigas, thank you for the love and the strong support in my recovery. You gentlemen saved my life. Thank you so much... and sirs.. thank you for the movie offer. Cant wait.#lifesavers,” caption ni JM.

Common knowledge na matagal-tagal ang inilagi ng actor sa rehab matapos ngang magbisyo.

Ilang buwan na raw nakalabas ang actor at ngayon lang uli nakatanggap ng movie offer.

Ang wish ng fans ay magtuluy-tuloy na uli ang trabaho ng actor.

Ang huling movie ni JM na tumatak sa lahat ay ang That Thing Called Tadhana with ni Angelica Panganiban sa Cinema One Originals Film Festival years ago.

Wala pa siyang ibinigay na details kung anong tipo ng pelikula ang gagawin niya sa TBA na producer ng Heneral Luna, Birdshot at marami pang quality films na naghakot ng recognition sa maraming international film festival.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: