^

Pang Movies

Blake Shelton bagong Sexiest Man Alive, naagawan si Adam Levine!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang country superstar at The Voice mentor na si Blake Shelton ang napiling 2017 Sexiest Man Alive ng People magazine.

Nagbiro pa si Blake noong sabihin sa kanya na siya ang napiling sexiest man sa taong ito.

“That y’all must be running out of people. Like, Wow, we’re down to somebody who is somewhat symmetrical,” sey pa ni Blake.

Unang natuwa ay ang girlfriend niya, ang singer na si Gwen Stefani.

“She goes, ‘Listen to me, you’re going to regret this for the rest of your life if you don’t take this gift and just live in the moment,” sey niya.

Pero ang gusto raw gawin ni Blake ay ipagmalaki ang pagiging Sexiest Man Alive title sa kaibigan niya at kasama sa The Voice na si Adam Levine na unang naging Sexiest Man kesa sa kanya.

Kasalukuyang may number one hit si Blake sa Billboard Top Country Album na Texoma Shore.

Si Blake na ang nagsasabi na hindi siya sexy. Mahilig daw siyang kumain parati.

“I think to describe myself as a child, one word comes to mind. And that’s fat.

“People say I haven’t changed since before I made it. And I’m still fat today. That’s proof!”

Lolas tinupad ang pangarap nina Kenneth at Miggy

First movie kapwa nina Kenneth Medrano at Miggy Tolentino ang Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies kaya pareho silang excited.

Produkto ng That’s My Bae contest sa Eat Bulaga sina Kenneth at Miggy kaya unang pagkakataon nilang mapanood sila sa big screen.

Sey pa ng That’s My Bae grand winner na si Kenneth, matagal na raw inaabangan ng pamilya at mga kaibigan niya sa Cebu ang paglabas niya sa isang pelikula.

“Ibinalita ko na po sa pamilya ko sa Cebu na mapapanood na ako sa pelikula. Nasanay kasi silang sa TV lang ako napapanood,” kuwento ni Kenneth.

Si Miggy naman ay noon pa pinangarap maging artista at ngayon ay natupad na ang dream niyang mapanood siya sa mga sinehan.

“Bata pa lang ako, iyon na ang pangarap ko. ‘Yung makagawa ako ng pelikula. 

“Hindi ko inakala na mangyayari talaga iyon,” ngiti pa ni Miggy.

Bida sa Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros. Kasama rin sina Shaira Mae, Taki Saito, Lovely Abella, Arthur Solinap, Archie Adamos, Ryzza Mae Dizon, and introducing Caprice Cayetano.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with