^

Pang Movies

Fans nag-aalangan sa pagiging judge ni Pia sa Miss U!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kumpirmadong isa sa judges si Pia Wurtzbach sa 2017 Miss Universe na gagawin sa Las Vegas at mapapanood sa bansa sa November 27.

Nag-aalala nga lang ang ibang netizens sa pagiging judge sa Miss U ng 2015 Miss Universe dahil baka maging liability pa ito kesa asset sa paglaban ng bet nating si Rachel Peters.

Nu’ng nakaraang Miss International 2017 kasi, isa sa judges ang kababayan nating si Kylie Verzosa na 2016 Miss International. As we all know, kinapos ang bet nating si Mariel de Leon sa labanan kaya isa siyang “Thank you girl!” Kumbaga, walang nagawa si Kylie na makasama kahit sa Top 15 si Mariel.

Now, here comes Pia. Suwerte kung papalarin si Rachel pero kung hindi dobol whammy nga ang talo ng Pinas sa international beauty pageant. Pero kung palaring maging Miss U 2017, ay sa beauty pageant camp na Kagandahang Flores (KF) ang malaking attribution sa panalo ni Peters, huh!

Ang KF kasi ang nag-train kay Rachel bago lumaban sa Miss Universe. Sila rin ang humulma sa Miss International 2107 winner mula sa Indonesia. 

Pahayag ni Canadian PM Justin Trudeau tungkol sa basura ng Canada dinoktor ng blogger?!

Tapos na ang ASEAN Summit 2017 pero may pahabol pang bangayan sangkot ang Canadian Prime Minister Justin Trudeau kaugnay ng naiwang basura sa bansa na galing sa Canada. Sa ginawang presscon ni Trudeau, kanyang in-address ang isyu tungkol sa mga basura.

Sa Facebook post ng isang blogger na si RJ Nieto aka Thinking Pinoy, may graphic siyang ipinost na nakasaad ang pahayag ni Trudeau, “...Theoretically it is impossible to get (the garbage) back...Even if it originally came from Canada...”

Sinamahan pa ni Nieto ng caption ang gra­phic na ‘yon na may pic ang Canadian PM na may hawak na bata. “After the PR blitz this is what we get from Candian PM Justin Trudeau. At the end of the day, I’d rather have a crass and “unclassy” president who gets things done. Yung pictures ng pogi? Makakalimutan rin yan. Pero yung basurang nabubulok sa mga ports natin? Hindi.”

Ang post ni Nieto ay nai-share ni Assistant Secretary Mocha Uson na may caption na, “Meron tayong kilalang ganyan sa Pilipinas. Mahilig sa photo op lalo na sa mga bata Pekeng peke nga ‘yun.”

Sinupalpal ang dalawa ng Rapler.com na merong transcript ng speech ni Trudeau kasama ang ilang reports ng media. Heto ang transcript.

“Even though it originally came from Canada, we had legal barriers and restrictions that prevented us from being able to take it back. Those regulations and those impediments have now been addressed, so it is now possible to get it back.” Sina­mahan pa ng video ng Rappler ang claim nilang ‘yon.

Sa panig naman ni Nieto, sinabi niyang ang source ng kanyang quote ay mula sa isang nasulat sa isang broadsheet. Wala pa namang pahayag si Asec. Uson sa isinulat ng Rappler.

Impossible versus possible ang salitang pinagtatalunan ng dalawang kampo. Kredibilidad na lang ang labanan sa aspetong ‘yan, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with