^

Pang Movies

Paolo kinontra ang mga panlalait kay Mariel

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ipinagtanggol ni Paolo Ballesteros si Mariel de Leon sa bashers nito dahil sa pagkatalo sa katatapos lamang na Miss International 2017 pageant.

Ayon kay Paolo nang makatsikahan namin sa grand presscon ng horror-comedy film na Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies kung saan ay bida silang tatlo nina Jose Manalo at Wally Bayola, naka­lulungkot daw na kabi-kabila ang panlalait na natatanggap ni Mariel.

“Siyempre, nakakalungkot. Alam mo kasi tayong mga Pilipino, specifically tayong mga Pilipino, medyo mabigat tayong magsalita. Actually, mabigat tayong mag-type,” natatawang sabi ni Paolo.

“’Yung para makapag-comment ka ng panget sa kapwa mo, I guess, sa tao kasi ‘yun, eh. Hindi mo maituturo, eh. Kasi nasa kanya ‘yun, siya may hawak ng computer niya, siya ‘yung nagta-type.

“Kasi ako ‘yung tipo ng tao na kung wala akong magandang sasabihin, eh ba’t ko pa sasabihin, ‘di ba? I mean, ‘di naman makakatulong, ‘di ba?

“Kasi, ni-represent na nga ng tao (Mariel) ang Pilipinas, tapos, ganu’n pa ang mababasa, imbes na suportahan,” sabi ni Paolo.

Kung natalo man si Mariel, naiintindihan daw niya na napakahirap naman talagang sumali sa beauty pageant.

“Kaya marami tayong magagandang Pilipina na ayaw sumali talaga kasi takot na takot siyempre, una, maba-bash sila. Takot na takot na makikita ng ibang tao ang kamalian nila na hindi naman dapat ganu’n. Kaya nga may mga judges, eh.”

At hindi raw tayo mga judge kaya hindi natin dapat husgahan ang mga kandidata.

“Tayo, bilang mga Pilipino, mga supporters, hindi tayo ang judges. May mga taong ang trabaho eh yoon, ibigay natin sa kanila ‘yun. Ang kailangan lang nating ibigay sa kandidata natin, lalung-lalo na hindi naman natin kilala nang personal, eh suportahan lang natin. Lahat ng support na puwede nating maibigay,” say pa ni Pao.

Ayon pa sa TV host/actor, napakahirap daw ng ginawa ni Mariel na kalabanin ang buong mundo at hindi nito deserved ang ma-bash nang ganito.

Show nina Ritz wala nang urungan ang pagbabu

Dahil malapit nang magtapos ang The Promise of Forever na pi­nag­bi­bi­da­han nina Ritz Azul, Ejay Falcon, at Paulo Avelino, ang daming nagri-request na sana raw ay i-extend pa ang serye.

Naawa nga kami sa pakiusap ng isang fan ni Ritz na sana ay huwag munang tapusin ang serye.

Well, sa mga hindi nakakaalam, canned show ang TPOF at matagal na nila itong natapos gawin. Kaya we don’t think an extension is possible lalo pa nga’t may iba na ring ginagawa sa nga­yon ang cast.

Anyway, sa last two weeks ng TPOF ay muling haharap sa matinding hamon ang pag-ibig nina Sophia (Ritz) at Nicolas (Paulo) dahil handa nang ipaglaban ng immortal man ang kanyang pagmamahal para sa dating kasintahan upang mabuo ang pinapangarap nilang pamilya.

Sa pagbabalik ni Nicolas bilang Laurence, muling nagkrus ang kanilang landas ni Sophia at nagkaroon ng pagkakataong makilala ang kanilang anak, na mayroon ding kakayahang pagalingin ang sariling sugat.  

Kung ano ang kahihinatnan ng pagmamahalan nina Sofia at Nicolas, ‘yan ang dapat abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with