^

Pang Movies

Pasaring daw sa nangyari kay Franco Joey De Leon napahamak sa throwback photo sa dead sea

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pasaring daw sa nangyari kay Franco Joey De Leon napahamak sa throwback photo sa dead sea

Joey

Naging controversial kahapon ang throwback photo ni Joey de Leon sa Dead Sea sa Jordan. “Nuknukan ka na ng katangahan pag sa DEAD SEA nalunod ka pa!” ang unang caption ng Eat Bulaga veteran sa nasabing throwback photo.

Naikonek na sa pagkawala ni Franco Hernandez ang nasabing caption na ipinagluluksa ng It’s Showtime family matapos malunod - na nakatakdang i-cremate ngayong araw.

Sinasabing insensitive si Mr. Joey at kung anu-ano pang masasamang salita ang ibinato sa kanyang ginawa.

Hanggang lumaki ang isyu at nag-trending na nga.

Hindi nagtagal ay pinalitan ni Mr. Joey ang caption ng “TBT Dead Sea, 2014.” 

At nag-upload pa siya ng ibang throwback photos niya sa Jordan at Israel na kanilang binisita noong 2014 kasama ang misis at si Mike Enriquez.

Turned off na ang comments section ng nasabing dead sea photo ni Joey dahil nga dinagsa ng galit na fans.

Huling controversy ni Joey na lumikha ng ingay ay tungkol sa pagsasabi niyang hindi totoo ang dep­ression.

Kim Chiu, Bagong Celebrity VJ ng MYX

Pagkatapos ng matagumpay na launching ng kanyang Touch Of Your Love album, bibida naman ang Chinita Princess na si Kim Chiu sa mga programa ng MYX dahil siya ang tampok na celebrity VJ ng music channel ngayong buwan ng Nobyembre.

Ipapakilala ng The Ghost Bride star ang mga pinakasikat na international at local music videos bilang host ng iba’t ibang programa sa MYX. Ipagkakaloob rin niya ang ilan sa mga video request para sa lucky viewers.

Panoorin din ang multi-awarded rapper na si Gloc-9 bilang MYX Headliner ngayong buwan.

Abangan si Gloc-9 sa MYX at panoorin ang celebrity VJ na si Kim sa Pinoy MYX simula Nob. 12 hanggang 18, sa Mellow MYX simula Nov. 19 hanggang 25, at sa My MYX simula Nov. 26 hanggang 30. Mapapanood ang MYX sa Skycable channel 23.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with