^

Pang Movies

Winwyn ayaw sirain ang pangako kay Joey

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Isang magandang pag-welcome ang binigay kay Winwyn Marquez bilang Miss Reina Hispanoamericana 2017.

Nagkuwento na ang ama ni Wyn na si Joey Marquez at inamin nito na hindi siya pabor noong una na sumali ang anak sa anumang beauty pageants.

Pero dahil dream ni Wyn ang maging isang beauty queen, nangako ito na matatapos nito ang kanyang doctorate degree bago siya sumali sa anumang pageant.

“Actually, talagang hindi ako pabor na sumali siya sa pageant. Kapag nakikita mo na ‘yung pagod niya, hirap niya, determinasyon niya at oras niyang talagang ibinigay... tapos hindi niya makuha ‘yung goal niya, mas nasasaktan ang magulang eh.

“Sabi ko, ang titulong gusto kong maibigay sayo, ‘yung titulo ng edukasyon, na kahit na habambuhay, kahit na pumanaw na tayo, nandiyan pa rin ang pangalang PhD, MBA.

“Nangako naman siya sa akin. Sabi niya, ‘Daddy, I promise I won’t disappoint you. I promise, win or lose, magpi-PhD ako,” sey pa ni Joey.

Pagtapos na matalo ni Wyn sa Bb. Pilipinas 2015, nagdesisyon si Wyn na ipagpatuloy ang kanyang master’s degree in Educational Management habang nag-aartista siya.

Two years after ay sumubok ulit si Wyn sa Miss World Philippines at nakuha niya ang korona na Reina Hispanoamericana Filipinas. Iyon na ang naging daan para maging isang international beauty titleholder na si Wyn.

Bagong bahay ni Kylie Jenner, walong kwarto at 11 na t&b

Hindi lang sa reality show at make-up line kumikita ng milyones si Kylie Jenner kung hindi pati na rin sa real estate.

Sa edad na 19, proud owner si Kylie ng kanyang ikaapat na mansion na matatagpuan sa Hidden Hills, California.

Ang bagong acquired residence ni Kylie ay may eight bedrooms, 11 bathrooms at Cape Cod-style mansion ito. Meron itong 13,200 square feet at may 1.4 acres.

Ang bahay mismo ay may home theater, game room, swimming pool, spa and massage room and a giant gourmet kitchen.

Unang bumili si Kylie ng bahay ay noong 2015 sa Calabasas for $2.7 million. Noong mabenta niya iyon, bumili ulit siya ng mansion worth $6 million noong April 2016.

Noong August 2017, binili ni Kylie ang bahay sa tabi ng kanyang mansion for $4.5 million para maging office ng kanyang Kylie Cosmetics.

Kasalukuyang tinatago pa rin ni Kylie ang kanyang pagbubuntis sa media.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with