^

Pang Movies

Anne may hangover pa sa magical wedding!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Bakas pa rin sa latest post ni Anne Curtis now Mrs. Anne Heussaff ang labis na kaligayahan sa katatapos lamang na pagpapakasal niya sa lalaking minamahal.

Nag-post si Anne ng larawan nila ni Erwan na nakatayo sa may cliff with a breathtaking view at sa caption, she wrote, “Grateful. Only God could have given us the most magical weekend of our lives...Eternally thankful to Him for giving me the most amazing human being to stand next to... taking in all of the beauty life and love has to offer.”

Ito ang unang post ni Anne now that she’s officially Mrs. Heussaff na kasalukuyang umaaani ng sangkatutak na likes.

Vice malungkot pa rin sa pagkawala ni Franco

Nandito na nga sa Maynila ang labi ng pumanaw na Hashtags member na si Franco Her­nandez at kasalukuyan itong nakaburol sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.

Kahapon, sa radio program na Sakto ng DZMM ay ibinalita ni Amy Perez na nagpunta na siya kahapon sa burol pagkatapos ng Umagang Kay Ganda at ginunita niya si Franco bilang isang mabait na bata.

Mabait, malambing at lagi raw bumabati si Franco na kasamahan ni Amy sa It’s Showtime.

“At after ng opening number nila ng Hashtags na kapag ‘yan ay walang pawis o hindi pinagpawisan sa sayaw, lalapit ‘yan sa akin, sasabihin, ‘Tiyang, pwedeng mag-beso wala akong pawis.’ Biru-biruan ‘yan nila ni Vitto (Marquez), kasi kapag pawisan sila niloloko ko sila, ‘Ang babaho niyo, amoy pawis kayo, huwag niyo akong halikan.’ Nanay na comment ‘yon, so nagtatawanan sila palagi. So kapag walang pawis ay pwedeng mag-beso,” ang kwento ni Amy.

Ikinuwento rin ng TV host na lahat daw sila sa It’s Showtime family ay nagulat pati na ang mga nagpunta sa New Zealand for Anne’s wedding.

Kwento ni Amy, kausap niya si Vice Ganda sa telepono matapos mabalitaan ang nangyari at aniya ay sobrang apektado raw ng TV host/comedian.

“Si Vice, talagang sinabi nga niya sa akin na sobrang malungkot na malungkot siya and affected at gustung-gusto na nga raw niyang makauwi.

“In fact, sa sobrang kalungkutan talaga ni Vice, halos hindi na nga rin siya naka-attend nun’g reception,” pagbabalita pa ni Amy.

Nakatakdang i-cremate ang labi ni Franco sa Biyernes.

Zanjoe lagi na raw magbibilad  ng katawan para kay Bela

May kilig pa rin talaga sina Zanjoe Marudo at Bela Padilla dahil ang daming kinilig sa sagutan nila sa Instagram kung saan ay nag-post ang aktor ng larawan niya na nakahubad.

Nag-comment si Bela na “baka kabagin ka” na sinagot naman ni Z ng “kailangan ko pa mag­hubad para mag-comment ka” na sinagot ulit ng aktres ng “last hubad photo mo na yan.”

At nakakakilig din ang paliwanag ni Z sa Magandang Buhay guesting niya.

“Hindi kasi siya mahilig mag-comment sa mga post ko, mag-like or mag-comment, so, nun’g nagulat ako na nag-comment siya, sinagot ko ng ‘kaila­ngan ko pang maghubad para mag-comment ka’,” sey ni Z.

Maging ang mga host na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ay kinilig sa sinabi ni Zanjoe.

When asked kung hinihintay ba niyang mag-comment si Bela palagi, aniya, “hindi naman, parang nagulat ako na ‘o, nag-comment si Bela dito sa post ko’, so lagi na akong magpo-post nang nakahubad.”

Again, kinilig na naman ang mga host.

Pero nang tanungin naman kung ano ang estado nila ni Bela, ani Zanjoe ay magkaibigan lang sila at ito rin naman talaga ang lagi niyang sinasabi sa mga interview niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with