^

Pang Movies

Daniel zero pa rin sa aktingan

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Dinaig ng mga baguhan

Grabe, Salve A., nag-enjoy kami sa panonood ng Fallback ng Cineko Productions, Inc. nang magkaroon ito ng preview noong Monday sa Dolphy Theater.

To be distributed by Star Cinema, mapapanood na nationwide ang Fallback ngayong araw. Directed by Jason Paul Laxamana, na siya rin ang sumulat ng story at script, click na click bilang loveteam sina Zanjoe Marudo at Rhian Ramos.

Gumaganap si Zanjoe bilang ang boyfriend ni Rhian na nang-iwan sa kanya at nang handa na siyang (Rhian) ma­ki­pagbalikan dito, ginawa niya itong fall back na lang dahil may bago na itong mahal.

Ginagampanan ni Da­niel Matsunaga ang papel bilang bagong boyfriend na mahal na mahal ni Rhian.

Sadly, halatang kailangan pang mag-acting workshop more ni Daniel. ‘Di tulad ng iba pang kasamahan niya, in supporting roles din, na nagpakitang-gilas sa kanilang performance sa mga character na in-assign sa kanila.

As expected, stand out sina Ricky Davao at Tetchie Agbayani. Mapapa-wow ka rin sa ac­ting, kahit ng baguhang si Marlo Mortel.

O, kaya ni Cai Cortez at Eagle Riggs. Ma­ging si Lemuel Pelayo, na tatlo o apat na beses lang nagkaroon ng eksena, bilang ma­nager ng resort.

Well, congrats to Direk Jason Paul, who has two critically acclaimed, and box-office  movies ngayong taon lang.

Rhian pinapanood sa Chinese BF  ang ginawa nila ni Zanjoe

Of Rhian, ‘di niya ipinagkakailang currently taken siya.

Ang kanyang boyfriend na si Jason Choachuy, isang prominent Chinese businessman, ay nasa special screening ng Fallback.

Naroroon din si Lovi Poe, best friend ni Rhian who came naman with boyfriend Chris Johnson, a Filipino-French.

Ria Atayde, who was Zanjoe’s leading lady sa past top series na My Dear Heart, came to support Zanjoe.

Si Ria, gaya ni Zanjoe, ay balitang loveless din.

Jona naghahanap ng tulad ni ‘Ogie Alcasid’

Birthday today, November 15, ng currently trending singer, dahil sa kanyang kabi-kabilang performance, si Jona.

She turns exactly 27 years old, she said.

No wonder na maituturing na birthday concert ang kanyang nakatakdang performance on November 18 sa The Theater at Solaire, where she will be accompanied by no less than ABS-CBN Philharmonic Orchestra, under the baton, of course, of Maestro Gerald Salonga.

Titled Prima Jona, Jona’s special guest is no less than her idol ang music inspiration, Regine Velasquez-Alcasid. Aawitin nila ang ilang paborito nilang awitin.

A talent of Star Music, Jona had accomplished a lot as a singer, since she released her first album only last February. Marami na rin siyang napun­tahan kasama ang iba pang talent ng Star Music para mag-perform sa ibang bansa.

Ilan sa mga kanta niyang nanguna sa BillboardPH ay ang kanyang Pu­song Ligaw at Maghihintay ako.

Ang Pusong Ligaw ang theme song ng Kapa­milya series na may kaparehong title na extended hanggang sa susunod na taon.

Jona’s song Sampu, is an entry in the Himig Handog 2017 competition. It is a composition of Raizo Chabeldin at Biv De Vera.

At the presscon for Prima Jona, natanong ang singer kung gaya ng kanyang idol na si Regine, nahanap na rin kaya niya ang kanyang ‘Ogie Alcasid’?

Natawa, sagot ni Jona, wala pa raw. Bagama’t simple lang naman daw ang kanyang requirements sa lalaking kanyang mamahalin.

Well, ang maging mabait, malapit sa Panginoon at higit sa lahat, mamahalin siya, tulad ng pagmamahal na ipadarama niya sa lalaki.

‘Must’ din nga pala raw sa mahilig ito, lalo na sa aso at pusa.

Marami raw kasing ‘ampon’ sina Jona na stray dogs and cats.

(Happiest birthday Jona. – Salve A.)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with