^

Pang Movies

Francine pinagkakakitaan ang katabaan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Francine pinagkakakitaan ang katabaan

Francine Prieto

May dahilan si Francine Prieto para mag-reduce ng weight at mag-workout. Medyo malapad kasi ang kanyang likod na parang aparador na raw. Ito kasi ang napapanood ng televiewers na sumusubaybay sa seryeng Haplos kung saan siya gumaganap bilang ina ni Thea Tolentino.

Isinusuka silang mag-ina dahil sa kanilang kasamaan. Mangkukulam ang mag-ina na nagpapahirap sa mag-anak na Emilio Garcia, Patricia Javier, Sanya Lopez, at Celia Rodriguez.

Kainis-inis sina Francine at Thea, kaya kung anu-ano ang mga sinasabi ng viewers sa kanila, isa na nga ‘yung kalaparan ng katawan ni Francine. Anila, mag-workout na sana ito para lumiit ng bahagya.

Pero no way kayo! Never na magre-reduce si Francine dahil liliit nga ang katawan niya, gaganda, seseksi, pero kung wala naman raket e ‘di bale wala rin. Siyempre kapag walang raket, walang pera meaning, gutom. Ke­sehodang makainisan ng mga manonood, laitin, kutyain ang katabaan, mayroon naman siyang pinagkakakitaan bleh!

In all fairness, lahat ng nasa cast ng Haplos  ay wala kang itulak kabigin pagdating sa aktingan. Ganoon din kina Rocco Nacino at Pancho Magno. Itong si Pancho, panlaban din ang kanyang height at looks, may pagka-star material. Si Lito Legaspi, over ripe na nga ang husay na artista same of Ms. Celia Rodriguez.

Azenith nagbabalik

May isa na namang come backing actress na sumikat noon na hopefully ay maituloy ngayon ang career. E uso naman ang nagbabalik sa limelight. Totoo ang kasabihan na parang rugby ang pag-aartista na mahirap alisin sa pagkakadikit sa balat o kaya naman, ito ay parang pagkain na masarap na hindi mo pagsasawaan.

Ang comebacking star ay si Azenith Briones. May posibilidad siya bilang pampabuwenas sa isang TV series na huwag daw munang banggitin ang network. Pero sooner na ito. Dapat two years ago pa siya back to limelight pero may nangyaring hindi maganda, first namatay ang kanyang husband na si Eleuterio Reyes sa naganap na sunog sa isang pamosong lugar na dinarayo ng libu-libong tao. Hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang mga pag-uusap between Azenith and the people connected with this multi-billionaire business.

Maganda si Azenith kahit may apat nang good looking children na puro mga professional na rin. Still fresh pa rin ang beauty niya at puwedeng-puwede pang sumabak sa showbiz. Kasikatan ni Azenith nu’ng mapangasawa siya ng milyonaryong businessman na si Eleuterio na taga-San Pablo City, mas priority niya ang pagbuo ng pamilya kaya simula noon ay hindi na siya nag-artista.

Ngayon, habang ina­ayos niya ang kaso ng yumaong asawa, at tapos na rin naman sa pag-aaral ang kanyang apat na anak, this time babalikan niya na ang showbiz para raw malibang naman siya at maaliw.

PM malakas ang hatak sa mag-aaral

Now I know, kaya pala mabilis maubos ang Pang-Masa (PM) sa lahat ng outlet ng Ministop dito sa Laguna, lalo na sa Golden City/Balibago- Complex, e, ginagamit pala ng mga mag-aaral sa iba’t ibang school tulad ng Technological University of the Philippines, gaya nina Cris Jay General at George Phillip Granados.

Kasi, last Monday na grabe ang ulan, naligaw ako sa isang pasilyo sa Alabang. Natural, nalito ang lola niyo, at dito pumasok ang dalawang binatilyo at inihatid ako sa Sucat. Tapos si Granados ay may sukbit sa bag pack na babasahing PM. May assignment pala sila, trivia sa mga tao. Now I know, ganoon ang dating sa mga estudyante ng PM! Salamat po!

Personal...

Nagpapabati naman si Jojo Magaro, isang magaling na fashion designer at ang mga creation niya ay pinalakpakan sa isang fashion show with a cause like in Carnival Queen, Buena Sarmiento Phil Best Dressed 2016 And Phil. Cancer Society. Puro raw sa kawanggawa ang benefits. E, dapat kasali ako riyan as beneficiary para naman sa aming gift gi­ving sa mga batang kapus-palad this coming Pasko 2017. Anyway, congratulations sayo Jojo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with