^

Pang Movies

Joey saludo sa pagpapaiyak at pagpapatawa ni Paolo

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Joey saludo sa pagpapaiyak at pagpapatawa ni Paolo

Paolo Ballesteros at Joey de Leon

Very supportive si Joey de Leon sa mga bagong breed ng mga komedyante ngayon sa telebisyon. Kaya naman isa sa pinakitaan niya ng suporta ay si Paolo Ballesteros na siyang nagmana ng original role niya bilang si Barbi sa bagong movie na Barbi, D’ Wonder Beki.

“Actually ‘yung trio ng JOWAPAO malaki ang suporta natin sa kanila.

“Hindi madali ‘yung ginagawa nina Jose (Manalo), Wally (Bayola) at Paolo kapag nasa Juan For All, All For Juan segment sila. Imagine, nasa initan sila at minsan inuulan pa sila.

“Pero consistent ang pagpapatawa nila kahit na ano’ng weather condition pa ‘yan.

“Kami naman sa studio, paupo-upo na lang. Hindi na namin kaya ang ginagawa nila, eh.

“Si Paolo naman kasi, kapag nagdamit babae ito, maganda siya. Mukha siyang babae talaga. Kaya perfect siya for the role of Barbi na una kong ginawa back in 1991.

“I believe in Paolo’s talent, hindi lang sa pag-make-up kung hindi sa pagiging artista. Magaling magpatawa, magaling pang mag-drama,” ngiti pa ni Joey.

May special appearance rin si Joey sa movie bilang mentor ni Paolo.

“Ako lang naman ‘yung magme-makeup kunwari kay Paolo para maging Barbi siya.

“Nagtatago rin kasi siya tulad ko, kaya ang only disguise na puwede ay ang maging babae siya.

“Marami ang matutuwa rito kay Paolo kasi lahat ginawa na niya rito para mapatawa lang tayong lahat.

“Masarap lang isipin na ang isang movie role ko na 26 years ago pa ay biglang nabuhay ulit sa katauhan ni Paolo. He is perfect as the new Barbi,” pagtatapos pa ni Joey.

Rachel dinapuan ng kaba sa mga modelong makakalaban

Nakita na ni Miss Universe Philippines Rachel Peters ang mga babaeng makakalaban niya para sa korona ng 67th Miss Universe on November 26 sa Las Vegas, Nevada.

Pinapili nga raw si Rachel sa mga candidate kung sino sa mga ito ang magi­ging matinding kalaban niya.

“I have seen the girls, I have seen what they are up to and I think the two of my toughest competitions are Miss Thailand and Miss South Africa, who actually shares the same last name as me,” sey ni Rachel.

Ang lalaban na Miss Thailand ay si Maria Lynn Ehren. Isa itong Thai-Swedish model and singer, samantalang ang bet ng South Africa na si Demi-Leigh Nel-Peters ay isang model din.

Tiningnan din ni Rachel ang social media accounts ng mga makakalaban niya. Pero excited na rin siyang makita ang mga ito sa personal.

“I think it’s really anyone’s game, what you see on Instagram and Facebook that’s a picture, you can edit that picture, once you’re there, that’s when you’ll know who the real winner is,” pagtatapos pa ni Rachel Peters.

Sikat na komedyante  na si Louise C.K. umamin sa ginawang kahalayan sa 5 babae

Pagkatapos na maakusahan ng limang babae ang sikat na American stand-up and TV comedian/producer na si Louis C.K. ng sexual misconduct, naglabas ng kanyang official statement ang comedian, hindi para i-deny ang mga accusations laban sa kanya, kung hindi para aminin na totoo ang mga sinasabi ng mga babaeng ito tungkol sa kanya.

Heto ang kanyang official statement:

“I want to address the stories told to The New York Times by five women named Abby, Rebecca, Dana, Julia who felt able to name themselves and one who did not.

“These stories are true.

“At the time, I said to myself that what I did was O.K. because I never showed a woman my dick without asking first, which is also true.

“But what I learned later in life, too late, is that when you have power over another person, asking them to look at your dick isn’t a question. It’s a predicament for them,” bahagi ng pahayag ng komedyante.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with