^

Pang Movies

Alden nag-effort sa pagtanggap ng award

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Congratulations to Pambansang Bae Alden Richards, na masaya kahit very busy siya last Sunday, November 12 dahil dalawang events pa ang pinuntahan niya bago siya tumuloy sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo University para sa 31st PMPC Star Awards for TV.

Nanalo si Alden ng Best Single Performance by an Actor sa mahusay niyang pagganap sa Kapatid episode ng Eat Bulaga Lenten presentation na isa siyang autistic. Kasama ring umakyat sa stage ni Alden ang co-hosts na sina AiAi delas Alas, Marian Rivera-Dantes, Ruru Madrid at ang Executive Producer nilang si Rams David nang manalo namang Best Musical-Variety Show ang kanilang Sunday PinaSaya. Nanalong Best TV Host si Marian, at Best Comedy Actress naman si AiAi.

Si Alden, after ng awards night, dumiretso na ng Baguio City para sa taping ng third episode ng month-long 5th anniversary celebration ng Magpakailanman, kung saan gaganap siyang isa sa mga soldier na ipinadala sa Marawi City. 

Miguel inaantay mag-18 si Bianca para mahalikan

Excited na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa kanilang new TV series na sinimulan na nila ang taping dahil malapit na itong ipalabas this month.

“Thankful po kami ni Bianca dahil ginagawa na namin ang pang-8th tele­serye namin,” sabi ni Miguel. 

“Ang bilis po, parang hindi pa kami nakakapahinga ni Bianca after ng Mulawin vs. Ravena, ngayon, nagsimula na ulit kaming mag-taping.  We appre­ciate po ang network kasi hindi po kami nababakante nang matagal.”

“In fairness thankful po kami ni Miguel dahil ayaw din naman naming magkahiwalay,” sabi ni Bianca. 

“At masaya kami pareho dahil kami pa rin ang magkasama sa bago naming project.”

“Naiiba na po ito, gusto na nilang mag-portray kami ng more mature roles, wala na po munang masyadong pa-sweet, medyo heavy drama na, iba na sa teen-oriented soaps na ginawa namin. Mas nag-level up na ang mga characters namin.”

“At makakatrabaho po namin ang mga mahuhusay na artista. Hindi po namin in-expect na ganito kalaki ang cast. Sina Sir Christopher de Leon, Kuya Marvin Agustin. Tita Gloria Romero, Ate Carmina Villarroel, si QC Congressman Alfred Vargas, Tita Jean Garcia at Tito Gardo Versoza at iba pa.”

Biniro sina Miguel at Bianca, kung mature na ang roles niya at may kissing scene na ba sila?

“Ginawa po namin iyan sa Mulawin vs. Ravena pero daya lamang naman. Siguro po kapag 18 na si Bianca (sa March), puwede na, pero ako, okey po lamang sa akin. Hindi pa po namin alam, pero kung gusto nilang ipagawa sa amin, okey lang po, part po ng work namin iyon.”

Bukod sa bagong TV series, nagpu-promote rin sina Bianca at Miguel ng Barbi, D’ Wonder Beki, na showing na sa November 29, starring Paolo Ballesteros, Joey de Leon, Ejay Falcon, Thou Reyes at iba pa. Directed by Tony Y. Reyes, produced ito ng OctoArts Films, M-Zet Films, at T-Rex Entertainment.

Heart at Xander, dadalhin ang co-stars sa Korea

Ayaw pang sabihin ni Heart Evangelista kung ano ang dapat pang abangan ng fans na sumusubaybay sa kanilang high-rating primetime show na My Korean Jagiya. Sa ngayon kasi na-fall na rin sa kanya nang tuluyan si Jun Ho (Alexander Lee) at ipinagtatanggol na niya si Gia (Heart) sa fans niyang sinisiraan ang girlfriend.

Totoo kaya ang balitang babalik sina Heart at Xander sa Korea, pero kasama na ang ibang cast members, dahil may big scene silang kukunan doon? Ngayon pa raw lamang, excited na ang cast sa balitang ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with