^

Pang Movies

Maria Isabel babawian ng lisensya, pagmumultahin at kakasuhan pa!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Maria Isabel babawian ng lisensya, pagmumultahin at kakasuhan pa!

Maria Isabel Lopez

Tumitili pa sa tuwa si Maria Isabel Lopez, at dinig na dinig ang boses niya mismo sa kanyang social media post, nang siya ay makadaan sa ASEAN lane sa EDSA. Sinabi pa niyang inalis niya ang barikada, at pumasok sa ASEAN lane. Siya rin ang nagsabi na nakalampas siya sa mga nagbabantay dahil siguro raw ang akala ay kasama siya sa ASEAN kahit na wala siyang nakadikit na decal dahil sa kanyang blinker. Sinabi rin niyang nang pumasok siya sa ASEAN lane ay may iba pang sumunod.

Iyong mga nakabasa rin sa social media, na siguro ay nabara rin sa napakatinding traffic noong Sabado ang unang nag-react sa ginawa ni Isabel, nag-viral iyon kaya nakara­ting sa mga awtoridad.

Ngayon, maaaring humarap si Isabel sa isang kaso, at malamang na masuspinde ang kanyang lisensiya sa pagmamaneho, kung hindi man kanselahin iyon nang tuluyan.

Sinabi ni NCRPO director Oscar Alaba­yalde na ang ginawa ni Isabel ay “breach of security”. Nakiisa rin sa ganoong paniniwala ang MMDA (Metro Manila Development Autho­rity), LTFRB (Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board) at ang iba pang law enforcement agencies, na nagsabing ang gi­na­­wa ni Isabel ay hindi lamang traffic violation kung hindi pagwawalang bahala sa batas.

Mabilis namang humingi ng paumanhin si Isabel. Inamin niyang mali nga siya, at handa naman daw siyang harapin ang de­manda kung sakali, pero sinasabi ni­yang kailangan lahat ng sumunod at gumaya sa kanya ay kasuhan din. Pero ang problema, sino naman ang mga gumaya sa kanya? Hindi mo naman maituturo ang mga iyon dahil hindi naman sila nag-post ng ginawa nila sa social media, habang tuwang-tuwa pang tumitili. Si Isabel lang ang nagpakilala pang ginawa niya ang ganoon.

Isang aktres si Isabel, kasamahan namin siya sa industriya, pero naniniwala kami na ang kanyang ginawa ay hindi lamang labag sa batas kung hin­di isang hindi magandang halimbawa sa ibang ma­mamayan. Hindi naman magandang ma­ging pa­mantayan ang pagiging “pasaway”. Mali rin ang sinabi niyang dahil sa ASEAN ay naging “second class citizen” siya sa kanyang sariling bayan. Lahat naman ay pinakiusapan na magsakripisyo ng ilang araw dahil ang problema riyan ay hindi lamang traffic kung hindi ang seguridad ng mga bumibisitang lider ng ibang bansa. Ewan kung ano ang palagay ninyo riyan, pero sa tingin namin mali si Isabel sa kanyang ginawa, at pagmamalaki pa sa maling ginawa niya.

Kahapon ay balitang pormal nang kina­suhan si Isabel ng MMDA at ipi­nare-revoke na ang kanyang lisensya. Pagmumultahin din ang aktres dahil sa paglabag Anti-Distracting Driving Act.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with