^

Pang Movies

Hashtags member na si Franco nalunod, patay!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Hashtags member na si Franco nalunod, patay!

Hindi pa natatapos ang kalungkutan ng mga tao sa industriya sa kamatayan ng aktres na si Isabel Granada, nagulat na naman ang lahat nang mabalitaang namatay naman sa pagkalunod ang isang member ng grupong Hashtags na si Franco Hernandez Lumanlan. Baguhan pa lamang si Franco sa Hashtags, sumali pala siya sa grupo noon lamang February. May sinasabi pa raw si Franco, na nagsisimula pa lang silang talagang maging magkapalagayang loob dahil baguhan nga siya, pero hindi na nga nagkaroon ng kaganapan iyon dahil namatay na siya.

Nalunod si Franco matapos na mahulog sa sinasakyan nilang bangka noong Sabado ng hapon sa Davao Occidental. Pabalik na raw sila mula sa bakasyon nang ang kanilang sinasakyang bangka ay salubungin ng isang malakas na alon. Nahulog sa bangka si Franco at ang kanyang girlfriend. Naging mabilis naman ang kanilang mga kasama sa pagsagip sa kanila, pero nang maiahon si Franco ay wala na nga siyang malay. Nadala pa siya sa isang clinic sa Malita, pero sinabing siya ay patay na nang dumating doon. Kasama ni Franco ang isa pang member ng Hashtags na si Tom Doromal. Ligtas naman si Doromal at hindi nahulog sa bangka.

Bata pa si Franco. Siya ay 26 years old lamang. Sinasabi ring marami pa siyang pangarap sa buhay, na sayang nga at hindi na natupad.

Bumuhos naman agad ang pakikiramay mula sa kanyang mga kaibigan sa show business. Karamihan sa kanila ang hindi makapaniwala sa pangyayari. Marami ang nagsa­ sabing sana nga “fake news” na lamang iyon. Sana “may nakuryente” na lang na balita. Pero hindi nga, kumpirmado nang pumanaw si Franco.

Talagang kung minsan, masasabi mo ngang talagang napakaikli ng buhay.

Huling gabi ni isabel balot ng matinding lungkot

Sa huling gabi naman ng lamay ni Isabel Granada, nagkaroon ng necrological service upang parangalan siya at gunitain ng kanyang mga kaibigan ang kanilang mga masasayang araw at ang naging kaugnayan niya sa kanilang lahat.

Maraming kaibigan niya ang nagsalita. Kumanta pa si Aiza Seguerra para kay Isabel, at nang matapos na ang lahat, pinagsalita naman nila ang asawa ni Isabel na si Arnel Cowley na siyang gumawa ng response para sa pamilya ng yumaong aktres.          

Nanatiling tahimik lamang si Arnel na hindi pa nga nakakabawi sa kanyang kalungkutan nitong mga nakaraang araw. Bale noon lang last night siya narinig na nagsalita. Halata mong napakalungkot pa rin niya, pero nagpasalamat siya sa lahat ng mga tumulong, nakiramay, at higit sa lahat nagpasalamat siya sa Diyos dahil kahit na nga dalawang taon lang silang nagkasama ng kanyang asawa, naging maligaya ang kanilang pagsasama.

Nagpakasal sina Arnel at Isabel noong Oktubre 18, 2015, matapos na makakuha ng diborsiyo ang aktres mula sa dati niyang asawa. Iyon namang dati niyang asawang si Jericho Aguas, ay may partner na rin ngayon, iyong dating Viva Hot Babes na si Jaycee Parker. Isang negosyante si Arnel, na isang Australian citizen at may sariling multi level marketing business, iyong Star Net na kung saan si Isabel naman ang marketing director. Nahiwalay din siya sa unang asawa kung kanino siya may dalawang anak na babae, sina Sarah at Abbey. Hindi showbiz si Arnel kaya hindi siya masyadong kilala dito sa atin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with