^

Pang Movies

Alex at Empoy pareho ang naging kapalaran nang magsarili!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Alex at Empoy pareho ang naging kapalaran nang magsarili!

Tuloy na tuloy na pala ang seryeng ipu-produce ng Dreamscape Entertainment Television, headed by Deo Endrinal, na muling pagsasamahan ng Kita Kita team-up nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Well, as earlier publicized, nakasama nila sina Piolo Pascual, na siyang nag-produce ng pelikulang Kita Kita, together with director Joyce Bernal and talent manager, Erick Raymundo for their Spring Films Productions, Arci Muñoz at JC de Vera.

No less than box-office film director, Antoinette Jadaone is tasked to direct the teleserye.

Ngayon, ang tanong: Mapukaw kaya muli ang publiko sa unique love team nina Alessandra at Empoy?

May ginawa na magkaibang proyekto sina Alessandra at Empoy, ang 12 at The Barker, respectively, which, badly didn’t do well sa takilya.

Well, allow both Alessandra at Empoy to, kumbaga, keep their fingers crossed, na sana nga, maging trending itong gagawin nilang series.

Karen at Ritz parehong ‘di pa nakakatikim

May something in common pala, Salve A., sina newly-crowned Miss Earth, Karen Ibasco at Kapamilya talent Ritz Azul.

Pareho silang hindi pa nagkakaroon ng boyfriend since birth. At choice raw nila iyon, since may mga manliligaw din naman sila.

In the case raw of Karen, who is 26, umasa siya na sa kanyang mga manliligaw, tulad ng kanyang request for them, na maghintay sila hanggang makatapos siya ng pag-aaral.

But apparently, nainip ang mga ito at hindi siya nahintay na magtapos ng kursong Physics.

Bago si Karen nag-join ng Miss Earth Philippines, nagtuturo siya ng Mathematics at Science sa University of Santo Tomas.

These days, inaamin ni Karen na nakikipag-date siya sa ilan niyang manliligaw.

In the case of Ritz, now 23, obvious na masaya naman siya, kahit walang nali-link sa kanya among the Kapamilya actors.

Nagtatapos na ang kanyang kasalukuyang series, The Promise of Forever, co-starring her with Paulo Avelino, Tonton Gutierrez, at Ejay Falcon.

Tuwing Sundays, napapanood si Ritz sa gag program na Banana Sundae.

May ipinabago na naman?

Arci mas gumanda!

Ignore them, ang obvious reaction ni Arci Muñoz sa mga basher na patuloy pa rin ang diumano’y ‘pagkukondena’ sa reports that she submitted to cosmetic surgery. As she reportedly was overheard saying: “this is my life.”

Oo nga naman, and as one singer icon said, “kung afford mo naman ang gusto mong ipabago sa sarili mo, well, don’t hesitate to do it.”

Well, in all fairness kay Arci, kung anuman, kumbaga, itong ipinabago niya sa kayang ilong/labi and whatever more, naka-enhance lalo ito sa kanyang already kaakit-akit nang looks.

Take a look at her now sa kanyang series na Ikaw Lang Ang Iibigin, co-starring her with Kim Chiu, Gerald Anderson, JC Santos, Michael de Mesa at Jake Cuenca.

Gumanda siya, ‘di ba?

Well, Arci reportedly will soon start work on a new movie for Star Cinema.

Albie ayaw pag-aksayahan ang bashers

Like Arci, hindi rin pinapantulan ni Albie Casiño ang kanyang mga basher dahil ayon sa kanya ay waste of time lang ang mga ito.

Maganda ang takbo ng showbiz career ni Albie sa kasalukuyan.

Heto at extended ang series na Pusong Ligaw, co-starring him with Beauty Gonzales, Bianca King, Joem Bascon, Joey Loyzaga, Enzo Pineda, Sofia Andres, and Raymond Bagatsing.

Siya raw ang supposed son nina Beauty at Joem at markado and challenging daw ang kanyang role.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with