^

Pang Movies

Goblin mapapanood na sa hapon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na kailangan ng kandila at hindi na rin kailangan ng ulan dahil natupad na ang wish ng fans na ibalik ang Koreanovelang iniibig nila with all their hearts and souls, ang Goblin, sa ABS-CBN simula ngayong Lunes (Nov 13).

Balikan muli ang kwento ng matapang na he­neral na si Kim Shin (Gong Yoo) na sinumpa na mabuhay habambuhay bilang isang Goblin o tagapagtanggol ng mga kaluluwa. Makalipas ang higit 900 taon ay makikilala niya ang babaeng tatapos sa sumpa— si Erin (Kim Go Eun) ang tinaguriang Goblin’s bride. Mahuhulog ang kanyang loob sa dalaga at ibubuwis ang kanilang mga buhay sa ngalan ng pag-ibig.

Huwag palalampasin ang muling pagbabalik ng Goblin, pagkatapos ng The Promise of Forever, ngayong Lunes (Nov 13) sa ABS-CBN.

Rhian at Edgar Allan may kakaibang kwento

Isa na namang nakatutuwa at kakaibang kwento ang hatid ng well-loved comedy anthology ng Kapuso Network, ang Dear Uge, kasama sina Rhian Ramos at Edgar Allan Guzman sa episode ngayong Linggo (Nobyembre 12).

Gagampanan ni Rhian ang role ni Bridget na ne­ver nang magiging bitter after maka-move on sa mga ex-boyfriends niya.

Kaya lang makikilala niya ang bagong kapitbahay ng pinsang si Angge (Arny Ross) na si Arjay (Edgar Allan). Sobrang guwapo nito at mukhang mahiyain. Pero sa kabila ng killer looks nito ay may tinatago pala itong sikreto. Isa palang ex-convict si Arjay.

Ano kaya ang naging kaso noon ni Arjay? Ma­ging hadlang kaya ang past niya sa present love story nila ni Bridget?

Kasama ang award-winning comedienne/actress at TV host na si Eugene Domingo, abangan ang nakakakaba at nakakakilig na kuwentuwaan sa Dear Uge presents, Let’s Talk About Ex kasama sina Rhian Ramos, Edgar Allan Guzman at Arny Ross ngayong Linggo na ‘yan 2:30PM pagkatapos ng Sunday PinaSaya.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with