^

Pang Movies

Alden kinawawa sa pagiging honest

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Unfair naman para kay Alden Richards ang ginagawa ng ilang tagahanga na mistulang dinidiktahan siya para umaming sila nga ni Maine Mendoza.

Minsan kasi ay may nag-interview kay Alden at noong sagutin nito na hindi pa niya girlfriend si Maine, animo’y parang bulkan na sumabog ang galit ng fans na pabor kay Maine.

Dapat sana ay maunawaan si Alden dahil kung sinasabi nitong sila na nga pero hindi pa pala, baka naman magalit pa si Maine sa aktor.

Ang fans ay dapat humahanga lang sa mga paborito nilang artista at hindi dapat makialam sa personal nitong buhay.

Hindi po isang laruan ang mga artista dahil may sarili din silang damdaming nadarama at hindi dapat pangunahan.

Awayan nina Ryza  at Sunshine

sobrang kinauumayan na

Ano ba naman ‘yang si Ryza Cenon na hindi nauubusan ng kawalanghiyaang naiisip laban kay Sunshine Dizon sa teleseryeng Ika-6 Na Utos.

Walang tigil ang pang-aaway at panggugulo nito kay Sunshine sabi nga ng ibang nakakwentuhan naming dating followers ng nasabings serye. Ayon pa sa mga ito, para raw silang nananawa na halatang pinahahaba ang istorya kesehodang nauumay na ang mga nanonood!

Kung kailan magpa-Pasko, Wowowin maraming tinanggalan ng trabaho

Malaking bagay sa Wowowin ang mga komedyanteng host ni Willie Revillame. Bakit naman daw ganun, kung kailang malapit na ang Pasko ay saka naman natsutsugi ang mga ito sa said show? Ang lupit naman daw.

Anyway, sumisikat naman sa ibang programa ang mga host na tsinutsugi sa Wowowin.

Sabi nga, there’s plenty of fish in the sea. Hindi lang sila sa Wowowin mabubuhay.

PERSONAL…

Happy birthday sa mga November born stars/personalities gaya nina Gov. Vilma Santos, Janice De Belen, Glenda at Boy Villasanta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with