^

Pang Movies

abo ni isabel itatabi sa ama!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Last day nang makikita ng kanyang family and friends si Isabel Granada sa Santuario de San Jose in Greenhills. Pero after lunch, dadalhin siya sa Arlington Chapel in Araneta Avenue para sa Holy Mass sa kanya at pagkatapos, at 1:00PM ay ang cremation niya. Ilang araw ding nagkaroon ng public viewing sa burol ng actress, kaya naman kahapon, nakiusap si Senator Tito Sotto sa Eat Bulaga sa mga taong nasa public viewing na huwag na nilang i-post sa social media ang picture na kuha nila kay Isabel inside her coffin. Naiiyak ang family niya, especially si Mommy Guapa sa ginawa nila sa anak niya.

After the cremation of Isabel, muli siyang ibabalik sa Santuario de San Jose Chapel dahil doon na siya ilalagay sa tabi ng ashes ng kanyang ama.

Aicelle nagpaparinig na ng kasal sa BF na reporter!

Tiyak na ikatutuwa ng fans ni Soul Songstress Aicelle Santos ang solo concert ng kanilang idolo sa November 24, 2017 sa Museum Music, titled Awit Na Aicelle at 8:00pm.

Noon kasing nag-guest siya sa katatapos na R3.0 concert ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Mall of Asia Arena, umani ng papuri si Aicelle among sa mga nakasama niyang ibang singers. Ano ang naramdaman niya nang makipagsabayan siya ng pagkanta kay Regine ng Say That You Love Me?

“Ang feeling ko po noon, parang nag-join ako ng isang singing contest sa napakalaking MOA, at puro mga biritera ang mga kasama ko,” napangiting sagot ni Aicelle. “Flattering po ang diva production number namin at really amazing na napansin pa rin nila ako.”

Pero kahit kami nang i-post namin sa Instagram ang tungkol sa concert ni Aicelle, maraming natuwa.

Kaya ngayon, mas mapapanood at mapapakinggan ang kanyang pag-awit sa concert na ipu-produce ng Stages Sessions with GMA Artist Center.

“I’m so excited because this is going to be a very special concert. Labis po ang pasasalamat ko kay Sir Gary (Valenciano) nang pumayag siyang ma­ging special guest ko. Hindi ako makapaniwala kasi nga, taga­kabila siya and yet makakasama ko siya ngayon on the same stage.”

Ang iba pang guests ni Aicelle ay ang The Company, Bullet Dumas, Quest at Myke Salomon na napapanood sa My Korean Jagiya. Biniro si Aicelle kung hindi ba niya igi-guest ang boyfriend niya, ang GMA broadcaster na si Mark Zambrano na balitang maganda rin ang singing voice.

Kinakantahan po niya ako kung kaming da­lawa lamang ang magkasama.  Manonood po siya pero hindi ko alam kung papayag siya to go up onstage para kumanta with me.”

Biniro si Aicelle kung kailan sila magpapakasal ni Mark?

“Napag-uusapan na po namin ang kasal, but nothing definite yet. Wala pa po akong engagement ring, o!  But I’m hoping he’s really the one. If ever, I’d prefer a beach wedding since pareho kaming mahilig sa dagat.  Pero this year po ay kakasalin ang younger sister ko.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with