^

Pang Movies

Isabel bibigyan na rin ng ‘bituin’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung kailan namayapa

Halos nagkaisa ang mga kaibigan ng namayapang aktres na si Isabel Granada sa pagkondena sa hindi naman nila nakilalang blogger na nag-post sa social media ng pictures ni Isabel habang nakahimlay sa kanyang kabaong. Mahirap tukuyin dahil hindi lang naman isa o dalawa ang gumawa noon, napakaraming lumabas sa internet nang magsimula na ang public viewing ng mga labi ng aktres sa Santuario de San Jose sa Greenhills.

Hindi na nila namalayan na habang dumadaan sa harap ng kabaong ni Isabel, siguro kinunan iyon ng picture. Iyan ang problemang hatid sa atin ng makabagong teknolohiya at ng nauusong social media.

Iyang mga ganyang picture ay hindi maaaring ilabas sa lehitimong diyaryo. Hindi ginagawa iyan bilang res­peto sa isang yumao. Pero sa social media na wala ngang sinusunod na ethics ang mga blogger, na lagi ring gusto palabasin na nauuna sila sa lehitimong media, kahit hindi naman.

Ang labi ni Isabel ay inilipat na rin sa Arlington Funeral Homes kahapon, at doon na rin ginanap ang isang necrological service para sa kanya kagabi. Ngayong araw na ito naman ay magkakaroon ng misa makapananghali, na susundan na ng kanyang cremation. Pagkatapos noon, ang abo ng kanyang mga labi ay muling ibabalik sa Santuario de San Jose sa hapon. Wala pa ring sinasabi kung saan ilalagak ang kanyang abo pagkatapos ng necro.

Pero hindi riyan matatapos ang pag-alaala kay Isa­bel. Sa November 21, ilalagay naman ang kanyang “star” sa Walk of Fame Philippines sa Eastwood. Iyan ay isang proyektong sinimulan ng dati niyang mentor na si Kuya Germs para parangalan ang mga artistang Pilipino. Nang mawala si Kuya Germs, itinuloy naman iyon ng kanyang anak na si Federico, na member na rin ngayon ng MTRCB.

Talaga naman daw this year ay isinama na si Isabel sa lalagyan ng marker sa Walk of Fame, sabi nga ni Federico, nakakahinayang na hindi na niya mismo masasaksihan ang pagpaparangal sa kanya. Pero inaasahan nilang darating ang kanyang asawa, ina at anak.

John Lloyd babalikan si Toni…

May mga nagbulong sa amin, mukhang hindi raw pinag-uusapan ang sinasabing pagpalit ni Piolo Pascual kay John Lloyd Cruz sa sitcom na naiwan ng actor (kung saan ka-partner niya si Toni Gonzaga) noong magbakasyon siya. Para raw hindi excited ang fans. Pero sinabi naman ni Piolo na hindi siya ang kapalit ni John Lloyd. Nagbakasyon nga lang naman kasi iyon, at inaasahan nilang babalikan niya ang sitcom.

Aktor na kasama noon sa youth-oriented program, bading na bading na

May isang newcomer na nakuha noon ng isang TV network at isinama sa isa nilang youth oriented program. Nang mawala ang newcomer dahil nawala rin naman ang lahat halos ng artista sa network na nag-reformat, bumaling iyon sa mga social media endorsements, at umuwi na sa kanilang bayan, isang city sa Central Luzon. Pero ngayon, iba na ang balita. Madalas daw sa isang bar na istambayan ng mga bagets ang newcomer noon, at ngayon daw ay bading na bading na.

Kung noon sinasabing habulin siya ng mga bading, ngayon nanghahabol na rin siya ng mga lalake at nakikipag-agawan na sa ibang bading.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with