^

Pang Movies

Bea nagpapayat para kay Aga

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Wow, Salve A., you should see Bea Alonzo these days. Lalo siyang gumanda.

Obvious na nabawasan siya ng timbang. Nakatulong na nakapagpahinga siya, pagkatapos ng kanyang sunud-sunod na taping sa A Love To Last, na halos isang taon din ang itinagal.

Tanda raw ni Bea na nag-appear si Isabel Granada sa A Love To Last,  kung saan nakasama niya sina Ian Veneracion at Iza Calzado.

Guest role lang ang naging appearance ni Isabel, kaya, ‘di niya ito gaanong nakasalamuha.

Ganun pa man, labis daw siyang nalulungkot sa biglang pagkamatay ng aktres at ipinagdarasal niya ito.

Of why she is in her element, tinanong namin si Bea kung in love siya at ngumiti lang naman siya. Well no need nang sabihin na si Gerald Anderson ang current love of her life. 

We got the chance na ma-encounter si Bea sa storycon ng kanyang pelikula kasama si Aga Muhlach. Directed by Paul Soriano, it will be filmed abroad.

“Siguro naman,” aniya. “Given na excited ako na magtatambal kami ni Aga. As for as I’m concerned, dream ko talaga na makatrabaho siya.”

Happily for Bea, Aga is eager as well na maging leading lady siya. Marami na raw projects ni Bea siyang napanood. At believe siya, especially sa husay daw ni Bea bilang artista.

Nang matanong kung tungkol saan ang pelikula at bakit kailangan itong kunan sa ibang bansa, mas mabuti raw na ‘wag muna itong sabihin.

Basta it will daw be, according to direk Paul pa rin, a co-production venture between his film firm, TEN 17, and Star Cinema.

Nang tinanong namin  siya kung bakit TEN 17, sinabi ni Direk Paul na dahil ito ang kanyang birthday, October 17.

Tsika kina direk Paul at Erich  namatay na!

Of Direk Paul, isa raw sa pinagpipilian sa apat pang natitirang slot sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ay ang entry niyang Siargao, na tampok sina Erich Gonzales, Jasmine Curtis at Jericho Rosales.

Matatagpuan ang Siargao sa Surigao del Norte, kung saan may sarili raw beach house si Direk Paul.

In any case kinunan ito ng buo sa Siargao, na na-link si Direk Paul kay Erich, na nang mga panahong iyon ay kahihiwalay lang sa boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Naging bulung-bulungan ito sa showbiz for a while. Hanggang, kumbaga, sa naging open secret na.

In fairness kay Toni Gonzaga, misis ni Direk Paul at ina ng kanyang one year-old son, Seve, hindi nito pinatulan ang tsismis.

O, hayan, at  kumbaga, it died a natural death.

Si Direk Paul ay apo ng matinee idol na sumikat noong 60s and 70s, si Nestor de Villa.

Patay na si Nestor, tulad ng kanyang ka-love team na si Nida Blanca.

Anak ni Nestor, whose real name was Gines Soriano, ang father ni Paul na si Jeric Soriano, na dati ring kilalang film and TV director, pero, mas nagko-concentrate sa kasalukuyan sa pagdi-direk ng commercial.

Jeric is, likewise, too, head of the Christian Community in Alabang, Muntinlupa, the New Life Christian Center, where one of the more popular and ardent members is no less than the Pambansang Kamao, Manny Pacquiao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with