Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Janno balik sa acting

Positive ang feedback sa pag-guest ni Janno Gibbs sa palabas na Ang Probinsyano sa Dos. Kuwela siya bilang magkasama sila ni Angeline Quinto sa pamilya ng mga singer sa pangunguna ni Rico J. Puno, pero mga mandurukot pala.

In all fairness kina Angeline at Janno ay naaaliw ang mga manonood sa kanila na kahit mga singer sila ay mahuhusay ding umarte. May hirit pang komedi ang dalawa na kabatuhan ni Rico J sa mga eksena. Muling nailalabas ni Janno ang kanyang talent sa pag-arte na nakalimutan na ng tao.

Alam agad ng viewers na hudyat ito na matutuloy na ang pagiging Kapamilya ng singer na hindi malayong mag-guest din uli sa ASAP. At malaki ang tsansa niyang maka-duet ngayon ang Queen of Soul na si Jaya at maging ang kaibigan niyang si Ogie Alcasid.

Nagkataon lang ba na sinundan ni Janno ang kumpare niyang si Ogie nang umalis ito sa bakuran ng GMA 7 na lumipat sa TV5?

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: