Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Winwyn nakaranas ng pamba-bash sa Bolivia

Nagkuwento ang Beauty Queen Maker na si Jonas Antonio Gaffud ng mga naging experience ni Winwyn Marquez sa Bolivia bago ito makoronahan bilang Miss Reina Hispanoamericana 2017.

Ayon kay Jonas, panay daw ang communicate nila ni Wyn via Viber at sobra raw itong nai-stress.

“Naawa ako kay Wyn kasi bina-bash siya roon ng ilang candidates. Eh hindi naman siya nakakaintindi ng Spanish. Kaya hindi niya alam kung ano ang sinasabi tungkol sa kanya. Kung maganda ba o kung inookray na siya.

“Sinasabihan ko na lang siya na huwag na lang niyang pansinin. Basta lagi lang siyang confident at ipakita niya na kahit na hindi siya fluent sa Spanish language, hindi iyon ang importante. Ang importante ay may magagawa kang tama,” diin pa niya.

Bukod sa pag-develop ng mga future beauty queen, pinasok na rin ni Jonas ang paghawak ng isang international male model contest na Manhunt International Philippines.

Noong 1993 pa existing ang Manhunt International Philippines pero hindi ito nagkakaroon ng sobrang ingay dahil hindi pa masyadong tanggap talaga ang mga ganitong contest para sa mga male models.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Paolo nahirapang ipitin ang alaga

Inamin ni Paolo Ballesteros na malaking pressure ang nasa balikat niya dahil sa pag-revive ng isa sa loveable screen characters ni Joey de Leon na si Barbi.

Sey ni Paolo na kailangan maging hit din sa box-office ang Barbi, D’ Wonder Beki tulad ng tatlong Barbi films ni Joey noon.

“Sa sobrang pressure, ‘di ako makahinga! Kasi po naiipit ang bayag ko!” malakas na tawa pa ni Paolo.

Mas malaking effort daw ang preparations ni Paolo as Barbi kesa sa award-winning role niya sa Die Beautiful.

“Si Tito Joey, minahal talaga ng tao as Barbi kasi tatlong Barbi movies ang nagawa niya. So sana, suportahan din ng viewers itong Barbi, D’ Wonder Beki and we promise na masisiyahan sila,” pakiusap pa ni Paolo dahil magbubukas sa sinehan ang pelikula sa mismong araw ng birthday niya, November 29.

Mariah Carey kakasuhan ng dating security guard sa pangmamanyak!

Isang dating security guard ng pop diva na si Mariah Carey ang inaakusahan siya ngayon ng sexual harassment.

Ayon sa report, nagngangalang Michael Anello, na dating head of security ng singer ang nagsabi sa TMZ na pinagtangkaan siya ni Mariah sa isang trip nila sa Cabo San Lucas.

Nagtrabaho si Anello kay Mariah mula June 2015 to May 2017.

Sa kuwento ni Anello, pinaakyat siya ni Mariah sa kanyang kuwarto at nag-request na ayusin ang kanyang mga maleta. Suot lang daw ng singer ay see-through negligee.

Gusto na raw lumabas ng kuwarto si Anello, pero ipinagpilitan ni Mariah na tulungan siya sa mga maleta. Nakalabas naman si Anello sa kuwarto na walang physical contact with Mariah.

Dagdag pa nito ay may utang pa raw ang singer sa kanya na $221,329.51. 

Additionally, he says that he was promised another two years of pay, adding $511,000 to the money owed.

Ayon sa kampo ni Mariah, wala silang natatanggap na information on the sexual harassment claim ni Anello.

Pero tungkol naman sa utang ni Mariah, napagkasunduan nila na babayaran ito ng buo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: