Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Marian walang tigil ang endorsement!

Blessed si Kapuso Primetime Queen Ma­rian Rivera-Dantes dahil bukod sa kanyang matagumpay na action-drama serye na Super Ma’am sa GMA Network, patuloy ang pagdating ng mga endorsement niya. Isa na rito ang pagiging ambassador ng muling nagbukas na Kultura Pilipino sa second floor ng SM Makati. 

“Happy ako na nakapasok sa Kultura, dahil ipinagmamalaki ko naman talaga ang magagandang gawang Pilipino,” sabi ni Marian na nakasuot ng isang dress styled ni Nuevo with pearl necklace. 

“Isa pa madali silang kausap, madali kaming nagkasundo sa mga gagawin ko sa loob ng fifteen months na ako ang face ng Kultura.”

Ayon sa Kultura, nagsimula ang idea na kunin nila si Marian nang mai-post ang suot niyang silk barong dress noong dumalo sila ni Dingdong Dantes sa inauguration ni Vice-President Leni Robredo. Simula raw noon marami nang nagtatanong kung available sa mga tindahan ng Kultura ang isinuot ni Marian.

Pero ang isa pang nagpadali kay Marian na tanggapin ay ang willing silang suportahan ang advocacy niya na magpangiti ng mga batang may cleft palate at ang ibang nangangailangan ng repair surgery.

“Tatlong taon ko nang advocacy at partner ako ng Smile Train,” sabi ni Marian. 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“At pumayag silang ang part ng sales ng Kultura ngayong araw na ito, November 9, ay ipagkakaloob nila sa Smile Train. Mayroon kasi kaming operation for 100 plus children sa December. Umaabot na sa 6,000 plus ang nabigyan namin ng tulong here and abroad ng mga batang may ganitong kapansanan.”

Ayon sa manager ni Marian na si Rams Da­vid ng Triple A, inaayos na nila ang mga gagawin ni Marian bilang endorser tulad ng personal appearances sa mga store ng Kultura. 

Hindi rin inaalis ni Marian na nakatulong para tanggapin niya ang offer na lumaki siya sa lola at naroon ang pagiging conservative niya. Pero ang modern side niya ay nakuha na niya sa roles na ginagampanan sa mga teleserye. Hindi raw mahigpit ang Kultura at puwede siyang mag-mix-match ng mga isusuot. 

Sa tanong kay Ma­rian kung hindi ba niya isasama ang anak nilang si Baby Zia bilang endorser ng Kultura, sagot nito ay hindi pa raw dahil masyado pang bata ang anak. Pero pinagsusuot daw niya ng T-shirt na may Pilipinas print ang anak. Kahit daw ang ama niyang si Fran Gracia ay humingi ng shorts na may tatak na Philippines at isinusuot kapag nagbi-beach sa Spain.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: