Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Mister ni Isabel na si Arnel Cowley natabunan ng mga hayok sa publisidad!

Sa kabila ng inaasahang dapat sana ay private moments ng pamilya ng yumaong aktres na si Isabel Granada, hindi rin maiwasang dumugin sila ng mga kakilala, mga naging kaibigan ng aktres at maging ng press na nag­hahanap ng pandugtong sa kanilang running story.

Napansin lang namin, muk­hang napakaraming nagsasalita tungkol sa mga kasunod na mang­yayari. Totoong may mga kaibigan si Isabel na nakatulong naman sa paghahanda para sa pagdating ng kanyang mga labi sa Pilipinas, pero hindi ba ang dapat sana pagkatapos ng lahat ng iyon ay pabayaan na ang pamilya ang magsalita? Mukhang natutukso silang magsalita dahil ngayon nga naman bigla silang in demand sa mga interview.

Kung iisipin, maging ang ex-husband ni Isabel na si Jericho Aguas, hindi na rin dapat nagbibigay ng statement matapos iyong kanyang pakikiramay, dahil alam naman ng lahat na matagal na silang hiwalay at may asawa na rin naman siyang iba. Kung iisipin, matapos na mapawalang saysay ang kanilang kasal at kapwa sila nagkaroon na ng ibang asawa, wala na silang relasyon.

Sa palagay namin, bukod sa ina ni Isabel, ang talagang may karapatan lamang na magsalita ay ang kanyang asawang si Arnel Cowley. Sila iyong immediate family ni Isabel sa ngayon. Iyon namang kanyang anak sa kanyang unang asawa na si Hubert ay minor pa. Ang lahat ng desisyon ay dapat na nagmumula na sa legal na asawa ni Isabel, si Arnel nga. After all, siya talaga ang nakakaalam ng lahat. Siya ang kasama noong mag-collapse si Isabel. Siya iyong nanatiling kasama ng aktres sa Doha, hanggang sa siya ay bawian ng buhay at hanggang siya ay maibalik sa Pilipinas. Hindi nga lang siguro publicity conscious ang asawa ni Isabel, private person naman kasi siya eh at hindi niya kailangan ang publisidad. Pero igalang naman natin ang karapatan niya bilang legal na asawa.

Sa ngayon siguro magulo pa ngang kausap si Arnel, na hindi naman maitago ang kanyang matinding kalungkutan sa pagyao ng asawa, pero siya ang dapat nagbibigay ng statement, hindi kung sinu-sino na lang.

Pero tama ang sinasabi ng marami. Sa kanyang pagkakahimlay, si Isabel ay isang “sleeping beauty”, kung maaari nga lang siyang mabuhay na muli sa halik ng isang prinsipe.  

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

 Aga pinipilahan pa rin sa sinehan

Sa tindi ng malakas na ulan, nadaan kami sa isang mall malapit sa amin. Nagulat kami nang makita naming palabas pa pala sa sinehan ang pelikula ni Aga Muhlach na Seven Sundays na tatlong linggo na yatang palabas. Napansin din namin, mas mahaba ang pila ng mga taong naghihintay na makapasok sa loob ng sinehan, kaysa sa mga naghihintay na makapasok sa ibang pelikulang Tagalog na kasabay ding ipinalalabas. Kakatuwa iyan, lalo na’t kung iisipin mong mga bagong pelikula ang kasabay noon.

Maliwanag, talagang hinahanap pa rin ng mga tao ang mainstream movies, at hindi pa talaga makakasabay iyong mga experimental films.

Baguhang actor nanlilimos ng load

Tawa sila nang tawa sa isang baguhang male star. Mahilig daw iyong magpadala ng friend request sa social media sa ibang taga-showbiz na kahit hindi naman niya kakilala talaga. Tapos hihingi ng favor. Gusto niyang padalhan siya ng “load”.  Noong una, hindi raw nila pinapansin dahil akala nila ay poser lang na gu­magamit ng pangalan at picture ng male star. Pero hindi pala, siyang siya pala ‘yun.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: