Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kris waging Best Influencer sa Berlin!

Sa latest Instagram post ni Kris Aquino ay ipinagmalaki niya ang award na natanggap at ibinahaging ito raw ang kanyang first European recognition.

Sa larawan na ipinost niya ay nakasaad na Berlin Native Advertising Awards Best Use of Influencer.

Tila tumanggap din siya as bronze winner para naman sa Kris Faves & Finds na webisodes niya for National Book Store.

Sa kanyang caption ay mababakas ang kanyang kasiyahan at labis na pasasalamat.

“It all started because i had to find a way, network tv was no longer open to me. i researched & knew that going online was an avenue i could try...

“With a brand new team, we knocked on doors- @nbsalertwas 1 of our 1st belie­vers.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Thank You God for this blessing! We’re back home & i saw a message from 1 of my life’s heaven sent angels, @xandraramos...

“To all of you who could now be where i was at the start of 2017, questioning the how comes & the what ifs- take it from me: JKP- Just Keep Praying! Surround yourself w/ creative, positive, hardworking, loyal people, and don’t lose faith because as promised in Jeremiah 29:11 “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

“In all my years of working on tv & film- this is my first European recognition. It is all the more meaningful because it was a digital production done by our KCAP team w/ guidance from Huddle Room & it was a shoot I did w/ my bunso. Good night from a very grateful believer in God’s wondrous ways,” ang mahabang post ni Kris.

Napuno ng pagbati ng netizens ang thread pero ang nakakaaliw, may nagtanong kung ‘di ba siya dadalo sa kasal ni Anne Curtis since close nga raw ito sa aktres na sinagot naman ng Queen of All Media.

“I explained to Anne i had work commitments Saturday & Sunday. So disappointed to miss this- was so privileged & touched by her invitation for Kuya (Josh), Bimb & me,” sagot ni Kris.

Bagama’t hindi pa kino-confirm nina Anne at Erwan Heussaff kung ano ba talaga ang date ng kasal nila, ayon sa tsika ay Nov. 11 daw ito at gaganapin sa Queenstown, New Zealand.

Boys Over Flowers  adaptation selyado na sa GMA!

Last November 9 ay pumirma ng co-production deal ang GMA Network, Inc. kasama ang JU Entertainment Movie and Drama, Inc., isang Philippine company na may Korean counterpart, para i-produce ang Filipino version ng widely successful television series na Boys Over Flowers.

Ang Boys Over Flowers ay base sa Japanese manga series na Hana Yori Dango. Ang nasabing series ay sikat rin at nagkaroon ng sariling bersyon sa ibang bansa gaya ng Taiwan, Japan, and Korea.

Masaya ang GMA Network First Vice President for Program Management na si Jose Mari Abacan na ibalita na GMA ang magpapalabas ng Philippine adaptation ng sikat na TV series na nagpasikat sa ilang kinikilalang Asian stars.

Bahagi pa ni Abacan, magkakaroon ng nationwide audition para mahanap ang perfect cast na bibida sa local series.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: