Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Tony at Donny nag-uunahan kay Kisses

Wow, Salve A., ang haba naman ng buhok nitong si Kisses Delavin, who emerged first runner-up to Maymay Entrata, na siyang of course, itinanghal na champ sa nakaraang Pinoy Big Brother (PBB): Lucky 7.

Dala-dalawang very promising leading men ang pinagpipilian para maging ka-love team niya, ngayong official nang buwag ang tandem nila ni Marco Gallo, fellow housemate niya sa Bahay Ni Kuya.

Quiet na lang muna tayo sa tunay na dahilan kung ‘must’ na maghiwalay sila ni Marco as a love team.

Well, the two candidates, kung ang current big following ni Kisses ang tatanungin na maging ka-love team ng charmer from Bicol, na si Tony Labrusca at Donny Pangi­linan.

Don’t look now, but mara­ming pagkakaparehas ang da-lawa. Pareho silang Inglisero. Well, just like Kisses, who, before joining showbiz was studying in De La Salle-College of Saint Benilde.

Tony was born in Houston, Texas. He grew up, however, in Los Angeles, California.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Donny naman studied sa International School in Makati.

Parehong may showbiz blood din na nananalaytay sa kanilang ugat. Tony’s Dad is actor Boom Labrusca. Donny’s parents are, of course, actress-TV host Maricel Laxa and Anthony Pangi-linan, who used to host a TV show too, and works as a financial adviser as well.

On their own, however, both Tony and Donny have made a name for themselves. Sumali si Tony sa pa-kontes na Boyband PH but unluckily, failed to make it.

He is now, however, a regular of the TV series, La Luna Sangre, co-starring him with the tandem of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla. Plus of course Angel Locsin and Richard Gutierrez.

Donny, who wants to try acting din sometime later, is a permanent DJ naman ng MYX, the popular music channel ng ABS-CBN.

Kisses pinakiusapan na tapusin ang pag-aaral

Of Kisses, co-hosts niya sa upcoming talk program na Squad Goals, ng ABS-CBN Mobile exclusive website ang former fellow PBB Dream Team na sina Maymay Entrata, Edward Barber and Marco.

Squad Goals will tackle DIY (do-it-yourself) hacks, close to millennials, like her and her co-hosts, said Kisses. And, of course, to adults, too.

She also recently launched her first album for Star Records, where the most requested song is ‘Di Ko Lang Masabi.

Pakiusap nga pala ng mga magulang ni Kisses sa kanilang only child na tapusin nito ang kanyang pag-a-aral.

Fans ni Sharon may loyalty

Halos apat na dekada na si Sharon Cuneta sa showbiz. And happily for her, ang kanyang popularity has remained intact. To her avid fans, especially, she remains the Megastar to beat.

No wonder na marami ang naghihintay ng kanyang balik-movie with Robin Padilla as her leading man. Bonus na kasama nila ang hinahangaang bagong tandem nina Joshua Garcia at Julia Barreto.

Natupad din ang hiling nila ni Robin sa Star Cinema na si Cathy Garcia-Molina ang mag-direk ng pelikula, na wala pang tiyak na titulo.

Direk Cathy’s last directoral job was the much-admired box-office movie, Seven Sundays, which starred Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Cristine Reyes, at Ronaldo Valdez.

Janno sinundan na si Ogie

Speaking of Ronaldo, tanong lang. Has his son, comedian-singer Janno Gibbs turned Kapamilya, just like his good friend, fellow comedian-singer Ogie Alcasid?

He has been added to the cast of the still top-rating long-time series, FPJ’s Ang Probinsyano, topbilled by Coco Martin.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: