Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

John Lloyd at Ellen tinapos ang ‘honeymoon’, balik-Pinas na raw

JLC at Ellen

Uy nasa bansa na raw sina John Lloyd Cruz and Ellen Adarna matapos ang kanilang European tour.

Walang post ang sexy star sa kanilang pagbabalik-bayan ng sinasabing boyfriend na si John Lloyd.

Pero lumabas na raw si John Lloyd kasama ang kaibigang si Maja Salvador.

Ang sabi ng isang source, matamis daw ang ngiti ng actor at bago ang hairstyle nito.

Nakita rin sa Instagram photos ni Roxanne Barcelo na kasama ang actor two days ago.

So ano na nga kayang naghihintay sa career ni John Lloyd?

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Manumbalik kaya sa dati ang init ng career niya matapos niyang ilantad ang other side of JLC sa piling ng sexy star na si Ellen?

Base sa mga IG post ni Ellen, nagbakasyon sila sa France at Switzerland ng actor.

Indefinite leave siya sa ABS-CBN at kung kailan ‘yun matatapos ay wala pang sinasabi ang Kapamilya Network.

Curious lang ang mga usisero, magkano raw kaya ang nagastos nina Ellen at John Lloyd sa bakasyon?

Comeback nina Sharon at Robin  minamadali na nila?

Mat title na ang ‘comeback’ movie ng ‘loveteam’ nina Sharon Cuneta and Robin Padilla, ang Unexpectedly Yours. Obvious na ipalalabas na agad ito at hindi na paaabutin next year. Mega soon ang ginamit na word ni Ms. Malou Santos sa kanyang post sa poster ng pelikula na idinidirek ni Ms. Cathy Garcia-Molina.

Almost two weeks na raw sinimulan ang shooting ng movie.

Pero in all fairness to Ms. Shawie, hindi niya ibinabalita ang tungkol dito. Lately ay wala siyang masyadong kontrobersiya sa social media.

Ang huling post niya pa ay ang pakikiramay kay Isabel Granada na hindi naman daw niya masyadong kilala pero nakikiramay siya sa sinapit nito.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: