Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kris nalalagasan na ng korona

MANILA, Philippines — Isa na namang korona ang nawala kay Kris Aquino. Balita kasing si Kim Chiu na ang bagong Horror Queen matapos na kumita raw ng P51.5 million in five days ang Ghost Bride movie ni Kim na idinirek ni Chito Roño.

Teka ano na nga bang update sa tsikang kukunin siya ni Willie Revillame sa Wowowin bilang host?

Ang masakit doon, baka marami ang matitigbak na mga co-host ni Willie na mostly ay mga komed­yante gaya ni Donita Nose.

Amanda tina-target maging kapitana?!

Ipinasyal kami ni Amanda Amores sa bago niyang bahay sa Quezon City na napakaganda at very well-decorated ng mga Antique na gamit. Nagulat kami noong sabihin niyang siya mismo ang nag-decorate ng mga wall at room ng kanyang dalawang dalagang anak. 

Noong kaarawan ni Amanda, ang una niyang binigyan ng party ay ang kanyang mga kabarangay sa Sto. Domingo kung saan chairman ang kanyang loving husband na si Richard Yu. Napapansin ko na wala silang pinipiling special na istimahin kesehodang simple lang ang buhay.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Totoo kayang may balak siyang tumakbong kapitan pagkatapos ng term ng asawa? Well feeling namin, kayang-kaya niya ito dahil marami na siyang alam dahil nasanay na siya sa asawa niyang chairman.

Giant network tsinutsugi ang mga walang pakinabang na alaga 

Totoo bang may isang major network na kapag hindi na sikat ang kanilang artista ay ora mismo tsugi agad ito na wala man lang pasabi? Hindi na kuno sila interesado kapag wala nang magic ang artista nila kesehodang champion pa ito sa PR. Hindi uso sa naturang network ang loyalty dahil basta wala nang pakinabang sa kanila ay etsapwera agad. Sa bagay, walang problema sa sistema nila dahil nandyan lang naman ang instant karma.

Ito siguro ang dahilan kaya maraming naglilipatang artista sa kanila.

Probinsyano patok dahil sa mga lumang artista

Mga dating artista nagbabalik pelikula ang sikreto kung bakit super hit ang FPJ’s Ang Pro­binsyano.

Marami kasi ang gustong makapanood sa kanilang mga idolo at hanga kami kay Coco na nakaisip sa idea na ito.

Ilan sa mga artistang sa Probinsyano na lang ulit napanood ay sina former Sen. Lito Lapid, Mark Lapid, Julio Diaz, Joko Diaz, Jeric Raval, Janice Jurado, Deborah Sun at ang latest naming narinig ay ang dating action actor na si Rhene Imperial na isa ng pastor ngayon.

Gaganap si Rhene bilang ama ni Joko sa yugtong babalik na ang drug syndicate headed by Eddie Garcia. Nakakahanga ang mga fight scene sa Probinsyano na halatang lalaki ang instructor at hindi beki.

May narinig kasi kami na may isang action star daw sa Siyete na nagbabasa muna ng labi bago humarap sa kamera.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: