Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

​Dennis at Alden sabak na ulit sa taping!

Back to work na sina Dennis Trillo at Alden Richards pagkatapos ng ilang araw nila sa Thailand. Nagkaroon sila ng meet and greet sa fans. Rumampa rin sila at nag-perform sa Askstra Theater in Bangkok, kahanay ang iba pang television stars na invited ng JKN Global Media.

Sina Dennis, Tom Rodriguez at Carla Abellana ang representatives ng kanilang TV series na My Husband’s Lover at si Alden sa Carmela nila ni Marian Rivera-Dantes.

Bumalik sila last Wednesday evening at nag-report na si Alden sa Eat Bulaga kahapon. Magti-taping naman siya ng isang episode sa month-long cele­bration ng Magpakailanman tungkol sa isang sundalong unang ipinadala sa labanan sa Marawi in Mindanao. Nagkaroon din siya ng photoshoot after ng EB. Si Dennis naman ay nag-report na sa taping ng new primetime series niyang The One That Got Away with Lovi Poe, Max Collins, and Rhian Ramos.

Paolo hirap makahinga sa shooting ng Barbi

Mas nahirapan daw si Paolo Ballesteros na gawin ang Barbi, D’ Wonder Beki kaysa una niyang movie na Die Beautiful. Tinawag nang millennial Barbi si Paolo sa grand presscon ng movie na idinirek ni Tony Y. Reyes at produced by OctoArts Films, M-Zet Films, at T-Rex Entertainment. 

May pressure ba sa kanya ang role ni Barbi na three times ginawang movie ni Joey de Leon?

“Meron pong pressure, kasi po hindi ako makahinga kapag si Barbi ako, alam nyo na ang ibig kong sabihin,” natatawang sagot ni Paolo. 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“Kinalakihan ko na po noon ang Barbi ni Tito Joey dahil dalaginding na ako noon, enjoy na enjoy akong panoorin siya, not knowing na darating ang time na gagawin ko rin iyon. Iba nga lamang dahil lalaki si Tito Joey noon na nagpapanggap na babae. Ako naman closetang hindi makapag-come out sa family niya na isang pamilya ng mga pulis.”

Pero hindi raw niya pinangarap noon na gawin niya si Barbi, mas gusto niyang maging si Wonder Woman o Dyesebel.

“Pero hindi ko akalaing magiging mas mahirap pala ang pagganap ko bilang si Barbi kaysa bilang si Trisha sa Die Beautiful. Doon kasi ganoon na ang cha­racter ko, pero dito sa Barbi, D’ Wonder Beki lagi akong naka-full make-up kaya mas matagal gawin, pati hairdo ko, paiba-iba rin. May mga full-length production numbers din ako dahil performer ako sa Sirkus de Ole. Sana po ay suportahan ninyo ang movie namin at patatawanin namin kayo rito ni Direk Tony Y. Reyes. Opening po namin sa November 29, which is my birthday, kaya birthday gift na po ninyo sa akin ang suporta ninyo.”     

Ano naman ang masasabi ni Joey de Leon na gumaganap na parang mentor siya ni Barbi, at may-ari ng Sirkus de Ole.

“Tamang-tamang pinili nila si Paolo sa role ni Barbi dahil maganda naman siya talaga at hindi na mahirap na pagandahin siya,” sabi ni Joey. 

“Ako naman, semi-retired na talaga sa paggawa ng movies, pero basta may movie ang Dabarkads ng Eat Bulaga suporta ako sa kanila, like ng mga susunod pang movies na ipalalabas nila hanggang sa Metro Manila Film Festival (MMFF). Ganoon naman kami sa Eat Bulaga at talagang proud kami kay Paolo sa mahusay niyang pagganap at sa mga awards na natatanggap niya.”

Kasama rin sa cast ng Barbi, D’ Wonder Beki sina Joey Marquez, Benjie Paras, Smokey Manaloto, Epy Quizon, at Ruby Rodriguez. Kasama rin ang loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, at sina Ejay Falcon at ang Pantasya ng Asya na si Kim Domingo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: