Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

​Iba raw ang mga artista noon​ Juday​ ​​nairita sa mga artistang pa-diva!

Maganda rin naman iyong recollection ni Judy Ann Santos ng kanilang buhay bilang mga artista noong araw na ipinost niya sa kanyang Instagram account.

“Ganito kami noon.. nung mga panahong walang aircon tent na standby area ang mga artista, at kanya kanyang diskarte ng tutulugan, tatamba­yan at kakainan.. maglalatag kami kahit saan basta hindi hagip ng camera. Walang issue, walang diva, kakwentuhan ko lahat ng crew. Masaya lang kahit inuumaga kami ng tapos. Bakit ko na share? Wala lang.. masarap balikan ang simpleng buhay ng pag-aartista kung minsan.. #lifeisgood”

Naranasan lahat iyan ni Juday, dahil sabihin nga nating bilang artista ay nagsimula naman siya sa ibaba. Nagsimula siya sa maliit na teleserye. Noong araw kasi ang mga teleserye, mga independent producer ang gumagawa niyan, o kung network-produced man hindi kagaya ng ginagawa ngayon.

Kung titingnan pa natin ng mas pag­ba­­­balik panahon pa, noong panahon ha­­lim­bawa nina Ate Vi. Noon nauso sa shooting iyong tinatawag na “bonbon chair”. Iyong mga upu­ang natitiklop, mostly canvass, na hindi man talagang nakahiga, nakaka-relax ka habang naghihintay ng take. Minsan doon na sila nakakatulog kung mahaba ang waiting time.

Kahit naman kasi noong araw, ang karaniwang trabaho ng artista ay kung gabi. Kasi nga kung gabi, kaunti lang ang nag-uusyoso at nanonood ng shooting. Kung umaga at masyadong maraming tao, problema nila iyon. Hindi rin sila makakapag-shooting dahil magulo.

Lalo na iyong mga pelikulang kagaya ng Darna, natatandaan namin na sinusuotan ng harness si Ate Vi, nakasabit siya habang umaarteng akala mo ay lumilipad. Kinukuhan siya ng naka-black backing, dahil pagkatapos nun ay ipapatong iyon sa stock shots ng mga iba’t ibang lugar para magmukha siyang lumilipad. Masakit iyong nakabitin ka ng matagal. Naranasan din iyan ni Juday noong gumawa siya ng ganyang serye. Eh ngayon ang mga artista wala nang hirap, dahil computer imaging na ang ginagamit. Lahat nadadaya na ngayon eh.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Sa set, ang mga malalaking artista ngayon, parang mga hari at reyna na ang turing. May tagapa­hid pa iyan ng pawis. Iyon nga lang, iyong mas mali­liit na artista, dusa pa rin.  

Bagong members ng F4 inayawan ng fans

Narinig lang naman namin ang comment ng ibang mga fans, nang lumabas ang balita tungkol doon sa mga bagong members ng sumikat na boy group na F4. Isang group iyan ng mga Taiwanese singers, na later on ay mas sumikat nang gumawa ng teleserye, iyong Meteor Garden. Sumikat din as stars ang dalawang members niyan na nag-solo, sina Jerry Yan at Vaness Wu.

Ngayon may lumabas na pictures noong bagong F4, pero ang comment ng mga fans, “mas guwapo pa rin iyong una”. Kasi hindi man siguro nila inabot, kilala pa rin nila iyong mga dati dahil sa mga poster at patuloy na lumalabas sa internet ang dating performance ng grupo. Kung kami rin ang tatanungin, mahihirapan iyang bago lalo’t ikukumpara sila sa naunang grupo.

Male stars na suma-sideline sa bading, bistado sa social media

Kaya nabubuko ang “sideline” ng ibang male stars ay dahil may nakikitang mga picture nila na kasama kung sino man ang nakaka-date nila, at lumalabas iyan sa social media. Trip-trip iyan eh, kaya nga sila ang gustong ka-date para makapagyabang din naman ang mga bading. Ang ending buko ang mga suma-sideline.

May mga stars naman na maingat sa ganyan. Ayaw nila ng pictures, pero nabubuko pa rin naman dahil sa kanilang mga contact. Ngayon dahil diyan sa internet, wala ka nang maitago talaga. Kung mabubulgar naman, wasak sila.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: