Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

​Isabel binigyan ng military honors!

Binigyan ng military honors si Isabel Granada nang ibalik sa bansa ang kanyang mga labi kahapon ng umaga mula sa Qatar kung saan siya binawian ng buhay. Nakaibabaw sa kabaong niya ang Philippine flag dahil isa rin siyang licensed pilot.

Sinalubong ang mga labi ng aktres ng anak na si Hubert at dating asawa na si Jericho Aguas. Sa interview ng anak, matapos ang dalawang linggo, hirap pa rin siyang tanggapin ang pagkamatay ng ina.

“Marami po akong regrets. Malayo nga po and we don’t communicate as much. Tapos, I realized  what’s gonna happen,” bahagi ng pahayag ni Hubert.

Dagdag niya, “Don’t take your time with your parents for granted. No matter what happens, always be with them. Kasi they were with you since day one kasi.

“Always enjoy ang save every little moment you have with your parents. Ma, nandito kami. Mahal na mahal ka namin. Marami ka palang ‘di nakuwento. Sana happy ka na rin up there with God and just watch over us,” saad pa ng anak ni Isabel.

Ngayong araw, Biyernes, hanggang bukas, Sabado, ang public viewing sa mga labi ni Isa sa Santuario de San Jose sa Greenhills mula 10 a.m.-5 p.m. Sa Sunday ang cremation niya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Isa rin si Isabel sa bibigyan ng parangal ng anak ni Kuya Germs na si Federico Moreno sa Walk of Stars sa Eastwood City after next week.

Former survivor castaway Kiko Rustia sikat ang mukha sa Europe

Lumutang si Kiko Rustia, former Philippines’ Survivor castaway sa launching ng Victory Liner premier prepaid Visa. Sa Kiko ang endorser ng nasabing card na simula sa Disyembre 21, 2017 at sa ilang key merchants sa 2018.

Si Kiko ‘yung castaway na mahaba ang buhok na dinekorasyunan ng iba’t bang borloy.  Mula nang matapos ang reality show, ipinagpatuloy niya ang adbokasiya niya sa environment bukod sa pagiging model. Naging bahagi rin siya ng GMA program na Born To Be Wild.

Ang biggest achievement niya bilang modelo ay nang makuha ng isang international brand ng clothing apparel. Sa European countries nakadisplay ang kanyang mukha na gustung-gusto ang kanyang ethnic image.

Anyway, ang mukha ni Kiko ang nakalagay sa promo merchandise ng prepaid card. Ito ang magsisilbing daan para sa online booking para makabili ng tickets. Reloadable ito at puwede ring gamiting sa pamimili sa over 40 million establishments worldwide.

Puwedeng mag-load sa kilalang department stores sa minimum na P300.00. Magagamit din ito sa pagpapadala ng pera at may mga perks and privileges na makukuha mula sa Victory Liner. Katuwang ng liner ang Metrobank Card Corp. sa project na ito.

Present sa launching ng prepaid card sina Riko Abdurrah (MCC President), Stu Tomilinson (VISA), at Johnny Hernandez (Victory Liner President), at Dan Wolbert ng Visa.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: