Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Anak ni Isabel may pinagsisisihan!

Kasalukuyan na ngang nakaburol sa Santua­rio de San Jose Parish sa Greenhills ang mga labi ni Isabel Granada at kagabi ang unang gabi ng kanyang wake.

Dumating sa bansa kahapon ng umaga ang labi ng aktres na pumanaw sa Doha, Qatar noong Nov. 4 sa edad na 41. Kasabay niyang dumating ang asawang si Arnel Cowley at pinsang si Joseph Rivera.

Sobrang nakakalungkot na umalis si Isa patu­ngong Qatar last month na buhay na buhay pero dumating siya ngayong nasa kabaong na. Sa kanyang pagdating ay binigyan siya ng military honors ng Philippine Air Force sa Ninoy Aquino International Airport sa tarmac bilang isa siyang li­sen­syadong piloto at may ranggong airwoman second class sergeant.

Via Facebook live ay inihatid ng ex-husband ni Isabel na si Jericho Aguas o Geryk Genasky sa publiko habang nagaganap ang military ho­nors na i­binigay sa pumanaw na aktres.

Isa si Geryk na sumalubong sa labi ng dating asawa kasama ang anak nila ni Isabel na si Hubert, 14 years old.

Nakapanayam ng media si Hubert kahapon at inamin niyang marami raw siyang naging regrets.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

“After those two weeks, knowing that she’s gone na talaga, it’s very hard to cope. Marami po akong naging regrets kasi medyo malayo nga po. We don’t really communicate as much. Tapos I realized that we didn’t know what was going to happen,” paha­yag ni Hubert.

Kaya ang payo ng teener sa mga anak na katulad niya, pahalagahan daw ang magulang.

“Don’t take your time with your parents for granted. No matter what happens always be with them kasi they were with you since day one. Always enjoy and save every little moment you have with your parents,” pahayag pa ni Hubert.

Sa pagtatapos ng panayam ay nagbigay ng mensahe si Hubert para sa ina.

“Ma, nandito kami, mahal na mahal ka namin. Marami ka palang hindi nakuwento at sana you are happy na rin with God. Just watch over us,” ang mensahe ng anak ni Isabel.

Ngayong araw (Friday) at bukas (Saturday) ay magkakaroon ng public viewing mula 10am to 5pm. Ang mga kaanak, at malalapit na kaibigan naman ay pwedeng bumisita hanggang 12MN.

Cremation will be held on Sunday at 2:00 pm sa Arlington Memorial Chapels and Crematory.

Palitan ng wedding vows nina Gerald at Kim, nag-trending!

Nag-trending at pinag-usapan ang kasalan nina Gerald Anderson at Kim Chiu bilang Gabriel at Bianca sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Of course, ang daming kinilig lalo na nga ang Kimerald fans dahil ang ganitong klase ng eksena ang matagal na nilang hindi napapanood sa kanilang idolo at matagal na nilang inaasam na mapanood ulit.

Kaya naman pati ang wedding bows nina Bianca at Gabriel ay talaga namang pinag-usapan at napakaraming kinilig.

“Bianca, ikaw ang unang nagpatibok ng puso ko. Sinamahan mo ako para maabot ko ang mga pangarap ko. Pero ikaw ang pinakamalaking pangarap ko, ang makabuo ng pamilya nang kasama ka,” madamdaming sabi ni Gabriel.

“Gabriel, gusto ko magpasalamat sayo dahil hindi mo ko sinukuan simula nang unang tayong nagkakilala. Nangangako ako sa Diyos at sa harap ng mga taong nagmamahal sa atin, na ako ang magiging karamay at kakampi mo sa lahat ng problemang darating,” sabi naman ng emosyonal na si Bianca.

Talaga namang nanguna ang hashtag na #ILAIPagbubuklod sa listahan ng trending topics sa Twitter at umani ng libu-libong tweets

Sa ratings naman, nanguna sa national TV ratings ang palabas. Nito ngang Lunes (Nov 6), nakakuha ang serye ng national TV rating na 17.9%, ayon sa datos ng Kantar Media.

 

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: