Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kim, may Christmas gift sa sarili!

Bibigyan ni Kim Chiu ng bonus ang sarili, dahil nga sa kung ilang achievements, personal and otherwise, ang kanyang natamo this year.

Natupad finally ang pangarap niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. They now lived sa isang bahay na hindi lang komportable, kung hindi kumpleto na rin sa gamit.

Doing very well, rating-wise ang kanyang reunion series sa dating boyfriend at ka-love team na si Gerald Anderson, ang Ikaw Lang Ang Ibigin.

And to top it all, ‘di lang kumikita ang kanyang currently showing movie na The Ghost Bride, where she plays the title role, ang ganda pa rin ng review tungkol sa kanyang performance.

No wonder na hindi raw siya nagdadalawang-isip na maidirek muli ni Direk Chito Roño, sa pelikula o TV show.

At ito ang bonus na ibibigay ni Kim sa sarili.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Baka raw sa abroad siya mag-Pasko at New Year pero ‘di pa raw niya tiyak kung sa Europe o U.S. siya pupunta.

Ang tiyak niya ay hindi raw siya pupuntang China. Baka nga naman maging totoo ang pagiging ghost bride niya.

Hahaha.

Alice itsapwera sa promo ng gb

Walang dudang agaw-pansin din si Alice Dixson sa kanyang role bilang fixer sa mga pwedeng maging ghost brides sa said movie ni Kim.

Nakapagtataka nga lang na absent siya ‘di lang sa promo ng pelikula at nang mag-presscon ito, kung hindi maging sa special screening ng The Ghost Bride sa Promenade in Greenhills.

Ang Ghost Bride ang unang pelikula ni Alice sa Star Cinema.

CIFF may kick off sa SANFO

Balitang magki-kick off ang TFC (The Filipino Channel): The Cine­matografo International Film Festival sa November 9 at the AMC Dine-In Kabuki 8 in San Francisco.

The opening film was Ang Larawan (The Portrait) which Janos Gereben, described as a “beautifully stylish film.”

A possible entry in this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017, Ang Larawan, based on a novel by National Artist Nick Joaquin, stars, among others, Rachelle Alejandro and Paulo Avelino.

Pelikula ni Joem pasok sa TIFF

No wonder, nagmamadaling umalis si Joem Bascon right after the presscon ng kanyang Pusong Ligaw na extended pa next year, kung saan kasama niya sina Beauty Gonzales, Bianca King, Diego Loyzaga, Enzo Pineda, Raymond Bagatsing at Sofia Andres, among others.

Pupunta siya sa Tokyo, Japan pala para um-attend ng 30th Tokyo International Film Festival, kasama ang director at producer ng pelikulang Pailalim na si Brillante Mendoza.

Excited daw si Joem na dumalo sa filmfest dahil ang kanyang pelikula na Pailalim ay parte ng festival.

Eleven days lang daw silang nag-shooting sa Pailalim, pero isa raw itong project na puwede n­iyang ipagmalaki.

Where Joem’s love life is concerned, hindi niya inililihim na three years na silang nagli-live in ng kanyang  vlogger-girlfriend na si Crisha Uy.

Pilita napailing sa relasyon nI Janine kay Rayver

Aside pala from her upcoming solo concert sa The Theater at Solaire on November 17, Pilita Corrales is also joining other music icons namely, Carmen Soriano, Jun Polistico, and violin wizard John Lesaca, for a special concert, Night With The Knights, na magaganap sa November 11 naman.

Ang Night with the Knights ay isang benefit concert organized by the Knights of Columbus (Kamias Council) for the outreach programs for deserving beneficiaries.

Ang nasabing project ay brainchild ni Mat V. Defensor.

Of Pilita, nang matanong kung alam niya ang totoo tungkol sa balitang pagkakamabutihan ng apong si Janine Gutierrez at aktor na si Rayver Cruz, nakangiting umiling lang siya. Pero, itatanong daw niya kay Janine kapag nagkita sila.

Si Janine ay apo ni Pilita sa anak na si Ramon Christopher. Si Lotlot de Leon naman ang ina ni Janine.

Speaking naman of Rayver, mapapanood siya ngayong Sabado sa legal drama ng ABS-CBN na Kapag Nasa Katwiran, Ipaglaban Mo.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: