Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Winwyn kanselado ang rampa sa New York

Confirmed na babalik sa Pilipinas si Winwyn Marquez mula sa Bolivia.

Hindi na yata matutuloy ang plano ni Winwyn na magbakasyon ng ilang araw sa New York dahil siya ang nanalo ng korona ng Reina Hispanoame­ricana 2017.

Bago lumipad noon sa Bolivia, sinabi ni Winwyn na isang buwan siya na mawawala sa Pilipinas pagkatapos ng competition. Balak niya kasi na magbakasyon sa New York, win or lose sa contest na kanyang sinalihan.

Umalis si Winwyn noong October 19 at babalik na siya sa November 13. Therefore, malinaw na walang isang buwan ang pananatili niya sa ibang bansa.

Inaabangan na ang homecoming ni Winwyn sa Lunes. Napapanood ko na sa GMA 7 ang nakaka-proud na congratulatory message kay Winwyn na isang loyal Kapuso. I’m sure, feel na feel ni Winwyn ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanya ng mother network niya.

TV personality imbyerna sa impersonator na mas matalino sa kanya

May nagtsismis sa akin na hindi na raw natutuwa ang popular personality sa pagkukumpara sa kanya sa impersonator niya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Naiinsulto ang word na ginamit ng nagkuwento nang i-des­cribe nito ang nararamdaman ng popular personality.

May reason talaga para mainsulto at maimbyerna ang perso­nality dahil mas maganda at higit na matalino sa kanya ang impersonator niya.

Dennis Roldan malaki ang ipinayat

May nakita ako na litrato ni Dennis Roldan na kuha sa ospital nang operahan siya sa bituka noong July 2017.

Malaki ang ipinayat ni Dennis pero kahit nagkaedad ang hitsura niya, guwapo pa rin siya.

Ang sabi ng mga anak ni Dennis, dalawang beses na inoperahan ang kanilang ama dahil nagkaroon ng infection ang first operation sa tatay nila.

Na-confine si Dennis sa ospital sa Alabang na pinagdadalhan sa inmates ng New Bilibid Prisons na nagkakaroon ng sakit.

Bago siya nakulong, naging pastor si Dennis kaya tinanggap nito nang maluwag sa kalooban ang pagkakakulong niya. Life imprisonment ang hatol sa kanya pero hindi nawawala ang pag-asa ng pamilya niya na makakalaya pa rin siya.

Marco determinadong sumikat

Anak ni Dennis si Marco Gumabao, ang aktor na ibini-build up ng Viva Films.

Mula nang lumipat si Marco sa Viva Artists Agency, umingay ang pangalan niya at nadagdagan ang kanyang mga tagahanga.

Nasa dugo ni Marco ang showbiz dahil artista ang tatay niya at ang kanyang Tita Isabel Rivas. Mukhang si Marco ang magtutuloy sa showbiz ng mga hindi na­tuloy na pangarap ni Dennis bilang mahusay na aktor. Determinado si Marco na maging successful dahil hilig niya talaga ang pag-arte.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: