Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Inimbitahan ng Prime Minister ng Cambodia Marian rarampa sa ASEAN Summit!

Marian

Rarampa si Marian Rivera sa ASEAN Summit.

Personal lang naman siyang ipinaimbita ni Cambodian President Hun Sen para makilala.

Sikat sa Cambodia ang mga series ni Ma­rian na ipinalabas sa GMA 7, tulad ng Ma­rimar and Dyesebel. At kasalukuyan daw dun na­papanood ang Carmela.

“Nagulat nga ako na pinadalhan kami ng invitation kasi hindi naman ako sanay na pinapadalhan ng mga ganyan, at parang nakakahiya naman na pumunta ako sa ganun.

“Pero sabi raw kasi sa amin, gusto akong makita ng President ng Cambodia dahil ipinapalabas ang soap ko dun,” sey ni Marian na nagkaroon ng contract signing kahapon bilang pinakaunang endorser ng mga Pinoy products na Kultura.

Siyempre kasama niyang dadalo ang mister niyang si Dingdong Dantes.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

At ‘yun tiyak na irarampa niya agad ang magandang Filipiniana ng Kultura.

Anyway, 15 months ang pinirmahan niyang kontrata sa Kultura.

Mga bisita nina Anne sa kasal, todo pasyal muna

Ang kasalang Anne Curtis at Erwan Heussaff ngayon ang binabantayan ng mga adik sa social media na diumano ay gaganapin bukas, sa bansang New Zealand.

Hindi pa man kasi sinasabi ng ikakasal ang buong details ng kanilang pag-iisang dibdib, nagkalat naman ang mga picture ng mga bisita nila na nagpuntahan na doon.

Nadagdag sa mga bisita sina Angel Locsin at sinasabing boyfriend nitong si Neil Arce.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: