^

Pang Movies

Burol ni Isabel bubuksan sa publiko!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Naglabas na ng schedule ng wake and funeral service ang pamilya’t mga kaibigan ni Isabel Granada na inaasahang darating ang labi ngayong araw, Huwebes.

Ang burol ay gaganapin sa Santuario de San Jose Parish located at Duke corner Buffalo Sts, East Greenhills, Mandaluyong City.

Narito ang schedule ng wake and funeral service:

November 9, Thursday: Arrival of Isabel’s body; private visit and viewing for family, relatives and close friends only.

November 10, Friday: Public viewing (10am-5pm only); private visit and viewing for family and close friends (until 12mn only).

November 11, Saturday: Public viewing (10am-5pm only); private visit and viewing for family and close friends (until 12mn only); Eulogy at 7pm.

November 12, Sunday: 11:30am- transfer to Arlington; 1:00pm - final mass; 2:00pm - Cremation; 4:00 pm – transfer back to Santuario de San Jose.

Tacloban tuluy-tuloy ang pagsulong

Sariwang-sariwa pa rin sa alaala ng mag-asawang Alfred Romualdez at Cristina “Kring Kring” Gonzales ang malagim na trahedyang idinulot ng super-thypoon Yolanda noong 2013 kung saan ay halos na-wash out ang buong bayan ng Tacloban at libu-libo ang nasawi’t nawalan ng tirahan, kabuhayan, at negosyo.

Naging maramdamin ang speech ni former Mayor Alfred habang ginugunita niya ang mga nangyari sa gina­nap na 4th Yolanda commemoration nitong Nov 7. sa Anibong, Tacloban City.

Tandang-tanda pa ng noo’y Mayor ng siyudad ang kalunus-lunos na senaryo sa Anibong a day after the thypoon. Nagkalat ang mga patay, wasak ang lahat ng bahay at ‘yung mga naka-survive ay devastated dahil nawalan ng pamilya o ‘di kaya naman ay hinahanap ang kanillang nawawalang kaanak.

Unforgettable para kay Mayor ang lahat ng mga pangyayari du­ring and after the tragedy lalo pa nga’t maging siya at buong pamilya ay muntik na ring nasawi. Mababakas mo kay Mayor Alfred na tila may trauma pa rin siya which is very understandable.

Needless to say, unti-unting buma­ngon ang Tacloban sa pamumuno ni Mayor Alfred na ipinagpatuloy naman ni Kring Kring nang magwagi ito bilang bagong alkalde in 2016 elections.

Four years after, masasabing napakalaki na ng improvement ng Tacloban, marami nang naibalik sa ayos including the economy and tourism, boom na ulit ang mga negosyo at higit sa lahat, ang housing project para sa mga nawalan ng bahay ay malapit nang matapos completely.

“Between 2014 to 2016, 5,445 houses were completed. At present, 10,677 units completed, 9,538 are ready for occupancy and 5, 580 are already occupied,” pahayag ni Mayor Kring sa recovery report na ginawa nya kahapon sa Memorial Astrodome matapos ang holy mass na isinagawa early in the mor­ning para sa lahat ng nasawi sa bagyong Yolanda.

Pero higit sa lahat, ang learnings na naibigay sa kanila ng thypoon Yolanda ay hinding-hindi nila ma­ka­kalimutan na ayon nga kay Mayor Alfred, up to now ay naibabahagi niya sa iba’t ibang tao and leaders hindi lang dito kungdi ma­ging sa ibang bansa.

Sobra rin ang pasasalamat ng mag-asawang Alfred and Mayor Cristina sa ating Presidente Rodrigo Duterte na noong una pa man na hindi pa ito Pangulo at Mayor pa lang ng Davao ay tumutulong na sa Tacloban pagkatapos na pagkatapos ng bagyong Yolanda. In fact, isa raw ito sa unang-unang nagpunta sa bayan nila para mag-extend ng tulong and up to now, nakatutok pa rin si Digong para mas mapadali ang rehabilitation lalo na nga ang pabahay project.

Samantala, whole day event ang observance ng 4th Yolanda anniversary kahapon, Nov. 8, ang mismong araw na nanalanta ang nasabing super-thypoon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with