^

Pang Movies

Young actress bumibiyahe sa abroad at probinsiya para ‘lumigaya’

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tamad-tamaran daw ngayon ang young actress na ito na magtrabaho. Marami na raw itong mga trabaho na tinanggihan dahil hindi raw niya feel munang magpuyat at mangarag sa trabaho.

Ang dahilan ng pagiging tamad ngayon sa trabaho ng young actress ay dahil sa sobrang in-love ito sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Parati nga raw magkasama si young actress at ang non-showbiz boyfriend nito. Kung hindi sila nasa malayong probinsya at nasa ibang bansa sila. Nagugulat na lang daw ang mga kasamahan ng young actress dahil nalalaman na lang nila na nasa ibang bansa ito.

Nagiging malihim na nga raw ulit itong si young actress dahil umiibig na naman ito ng sobra-sobra. Ganyan din daw ang naging ugali nito noong mabaliw siya sa pag-ibig sa isang young actor. Halos wala na itong pakialam sa kanyang trabaho.

Sey ng isang close sa young actress na sana ay huwag itong magsisi sa kanyang pagiging baliw sa pag-ibig. Huwag naman daw sana itong masaktan ulit dahil nakita na nila kung paano ma-depress ang young actress.

Pero dagdag pa ng aming source na baka mauwi na sa permanenteng pagsasama ang young actress at ang non-showbiz boyfriend nito. Which means baka kasal ang ending nilang dalawa.

Christian patatali na sa girlfriend!

Kung ide-describe raw ni Christian Bautista ang kanyang propo­sal sa fiancée na si Kat Ramnani, ito ay “no frills, just truth and real love. And she said yes.”

Naganap ang proposal ng singer-actor kay Kat noong nagbabakasyon sila sa Europe.

Matagal nang kinukulit si Christian ng marami kung kailan na ito pakakasal sa kanyang girlfriend. Ngayon ay ramdam na niya na ito na ang tamang panahon.

“I thought I wanted a picturesque spot to propose—the cliffs of Santorini? The sites of Athens? The beautiful canals of Venice? The city of Florence or Milan?

“It didn’t feel right to do it in such a public place.

“So when we were back in the hotel, eating cold pizza when it was just us, that’s where I asked her,” kuwento ni Christian.

Sa November 21 ang second anniversary ng dalawa nilang magkarelasyon.

Isang part-time model at head content for music in a telecommunications company si Kat. Nagkakilala silang dalawa sa isang breakout game.

“She’s very fun to be with, she’s smart, she loves sports—our family loves sports,” pagtatapos pa ni Christian.

American actor na si Lou Diamond Phillips tiklo sa pagmamaneho nang lasing

Inaresto for DUI (Driving Under the Influence) ang Fil-American actor na si Lou Diamond Phillips sa Texas kamakailan.

Sa Portland, Texas inaresto ang 55-year-old actor pagkatapos nitong mangga­ling sa isang speaking engagement sa Corpus Christi.

May blood alcohol level na 0.2 percent si Phillips na twice the legal limit para magmaneho ito ng sasakyan.

Naging very cooperative naman daw ang aktor noong dalhin ito sa presinto.

Kinulong ang aktor pero nakapagpiyansa ito sa halagang $2,500.

Nag-apologize naman agad ang aktor sa kanyang ginawang hindi tama.

“I want to sincerely apologize for an incident this morning. Some of you may have heard about that.

“I am here to promote and celebrate this amazing event here in my hometown of Corpus Christi, and if anything that I have done distracts from that or diminishes that I sincerely apologize.”

Unang sumikat si Lou Diamond Phillips sa 1987 film na La Bamba. Kasalukuyang lumalabas siya sa TV series na Longmire.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with