^

Pang Movies

Bangkay ni Isabel may senyales na raw ng pagkaagnas

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Magtitipun-tipon ang lahat ng mga dating nakasama ni Isabel Granada sa That’s Entertainment sa Biyernes. Ang usapan ay mula ika-6 ng gabi hanggang hatinggabi, doon sa San­tuario de San Jose sa Greenhills kung saan ibuburol ang mga labi ng aktres bago siya i-cremate.

Noong pala ang balak ay ibalik agad si Isabel sa Pilipinas, pero may mga papeles na kailangan munang kumpletuhin kaya mamayang gabi pa lang siya maiba-biyahe pabalik. Mayroon na raw signs of deterioration si Isabel, kaya isinailalim na siya sa embalming at inayos na rin sa Qatar. Siguro aayusan na lang siya ulit bago ang burol sa Santuario.

Ang kanyang asawang si Arnel Cowley ang siyang magdadala ng kanyang mga labi pabalik sa Pilipinas at inaasahang makakarating iyon dito sa atin bukas bago mag-tanghali. Bagama’t mas madali sana kung ipina-cremate na siya sa Qatar, pero nais nilang makita pa siya at makapagbigay galang ang kanyang mga tagahanga at mga kaibigang naririto sa Pilipinas.

Inaasahang higit na maraming mga dating kasamahan niya sa That’s Entertainment ang darating nang sabay-sabay, sa kanilang tinatawag na “reunion for Isabel”. Sabay-sabay din silang mag­hahandog ng mga panalangin para sa kanyang kaluluwa.

Sinasabing pagbibigyan din naman ang mga fans na masilayan ang labi ng aktres, pero inaayos pa nila ang arrangement dahil ang simbahan kung saan siya ibuburol ay nasa loob ng isang private subdivision sa Greenhills.

Docu na ginastusan para kay Atom, pinadapa raw ng LizQuen!

Talagang makikita mo namang pinagbuhusan ng effort at maging ng lahat ng resources ng GMA 7 ang documentary na ginawa ni Atom Araullo. Iyong ganoong luho ng produksiyon ng isang documentary, at iyong ganoon kalaking promo na ginawa ng network ay isang bagay na mukhang mahirap niyang makuha sa ABS-CBN. Kung ganoon katitinding proyekto nga ang gusto niyang gawin, at sa kasunduan ay ibibigay iyon sa kanya ng GMA 7, talagang justified ang kanyang paglipat.

Lumipat siya sa GMA 7, kung saan naroroon din ang mga mahuhusay at award-winning documentary producers. Nandiyan ang mga batikang sina Jessica Soho, Mike Enriquez, Howie Severino, at marami pang iba. May personalities din naman sila kagaya halimbawa ni Steve Dailisan at iba pa. Pero kinuha nga ng network si Atom, dahil siguro sa paniniwala na ang paglipat niya ay lalo pang magpapalakas sa kanilang news team. Actually iyan naman talaga ang malakas sa GMA, iyong kanilang news team. Hindi sila natatalo riyan.

Kaso noong inilabas iyong documentary ni Atom, sinabayan naman iyon ng ABS-CBN ng pelikula nina Enrique Gil at Liza Soberano, at ayon sa spot survey na isinagawa ng AGB-Nielsen, lamang ang nanood ng movie ng Liz-Quen, na may ratings na 5.9%.

Kung iisipin mo, ka­unti lang naman ang diprensiya ng kanilang rating, pero ang laki ng puhunan sa docu ni Atom, samantalang wala na halos gastos sa pelikula ng LizQuen dahil kumita na iyon sa mga sinehan, sa video, at sa cable TV. Pero iyan ang mapait na katotohanan, na mas maraming nanonood ng mga programang pang-entertainment kaysa sa mga educational programs.

Pero sana magpatuloy si Atom, dahil maganda iyong nasimulan niya. Palagay namin darating ang araw na ang mga gina­gawa niyang docu ay mas tatangkilikin ng mga tao, kahit na sabayan pa siya ng pelikula ng KathNiel.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with