^

Pang Movies

Totohanan? Paolo pinagnanasaan ni Ejay!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Surreal ang pakiramdam kahapon ni Paolo Ballesteros sa presscon ng Barbi, D’ Wonder Beki dahil naalaala niya ang mga panahon na sumasakay siya sa bus papunta sa mga ad agency office para sa mga VTR for commercials.

Ngayon, siya na ang nagmamaneho ng sari­ling sasakyan niya papunta sa mga presscon, ta­pings, at shootings.

Hindi akalain ni Paolo na darating ang araw na mangyayari ang pangarap niya na maging artista. Matagal ang ipinaghintay ni Paolo dahil dumating sa kanya ang bonggang break nang mapansin ang talent niya sa make-up transformation.

Touched na touched din si Paolo dahil pumayag si Joey de Leon na magkaroon ng special participation sa Barbi, D’ Wonder Beki.

Flattered si Paolo dahil harap-harapan na sinabi ni Papa Joey sa mga reporter na siya ang pinakamaganda at pinakamahusay ngayon na aktor na gumaganap na girl sa pelikula.

True naman ang pralala ni Papa Joey dahil napakaganda ng mukha ni Paolo at mapagkakamalan talaga siya na tunay na girl.

Hindi siya kagaya ng ibang mga vaklush na nakakatawa nga pero hindi beautiful.

Hindi lang ang talent ni Paolo sa comedy ang pinuri ni Papa Joey. Binanggit din niya ang name ni Maine Mendoza dahil bilib din siya sa husay ng dalaga sa pagpapatawa.

Si Ejay Falcon ang gumanap na love interest ni Paolo Sa Barbi, D’ Wonder Beki.

Naloka si Paolo sa sinabi ni Ejay na may pagnanasa siya, on-and-off camera, sa kapareha niya sa pelikula.

Si Joey Marquez ang gumanap na tatay ni Paolo sa comedy movie ng OctAarts Films na showing sa mga sinehan sa November 29.

Ang sey ni Ejay, bilib na bilib si Joey M. kay Paolo dahil maganda ito kapag bihis-mujer at natural na guwapo kapag hindi in character.

Misis ni Joey may konek kay Paolo

May trivia si Papa Joey de Leon tungkol kay Paolo at sa kanyang misis ma si Eileen Macapagal.

Distant relative pala ni Mama Eileen si Paolo dahil Macapagal ang middle family name nito.

Kamag-anak din ni Mama Eileen si former Pre­sident Gloria Macapagal Arroyo kaya malaki ang pagkakahawig nila.

Pauleen bubulaga sa kasal ni AiAi

Napaaga ang pagsisilang ni Pauleen Luna sa baby girl nila ni Vic Sotto.

At dahil sa kanyang early delivery, malaki ang chance na dumalo si Pauleen sa church wedding nina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan sa December 13, 2017.

Parehong abay sina Bossing at Pauleen sa Delas Alas-Sibayan Nuptial kaya importante talaga na makadalo si Mrs. Sotto sa importanteng araw sa buhay ng Comedy Queen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with