^

Pang Movies

Kris kasalo ang bodyguard at driver ‘pag kumakain

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sa totoo lang, isa si Kris Aquino sa mga taong gusto namin ang pagkatao at masasabing true friend kahit matagal pa kayong hindi nagkikita. Siya ‘yung tipo ng tao na never kang makakalimutan.

Very young pa si Kris at pangulo na ang kanyang mother na si Tita Cory Aquino noong una ko siyang makilala sa isang pizza parlor.

Since then, kahit saan niya ako makita gaya na lang nang magkaroon ng palengke tour para sa Regal movie niya na kasama si Jun Rufino, sa Pasig City market kung saan ako namimili, ay nakipag-tsika-tsika pa rin sa akin si Kris.

May isang beses naman na inimbitahan niya kami sa bahay nila sa Times St., sa Quezon City para mag-lunch kasama si Tita Cory. Take note, kasalo pala sa hapag kainan ang driver, body guard, at ilang dyulalay. Hindi pala maselan si Tita Cory at pantay ang tingin niya sa tao. Nang sumama kami sa ancestral house sa Tarlac, salu-salo rin ang lahat sa tanghalian kaya puno ang dining table. Ang saya-saya ng lahat habang lumalafang.

Kaya, tantanan na, tama na ang mga patutsada ng mga taong galit sa kanya at sa pamilya niya. Doon sa mga taong nagsasa­bing wala siyang “k” if ever na siya ay pumasok sa politics, who told you na wala siyang k? May mataas na pinag-aralan si Kris at nanggaling sa angkan ng mga pulitiko. Anak siya ng isa sa pinakamatapang na tao, si Benigno Aquino na naging senador nung panahon ni Marcos, at kapatid si Kris ng naging presidente din ng bansa si Noynoy Aquino.

If ever man na wala siyang shows ngayon ay hindi niya ikamamatay. Galit lang kayo kasi nga siya ay dilaw at kalaban ng former administration sa ngayon. Move on para sa bayan! Kalimutan na ang away.

‘Yun lang!

Ka Freddie walang kupas

Pasulong at malayo na ang tinatakbo ng singing career ng Broadway Boys, ang apat na young boys na very lucky dahil nabiyayaan sila ng magagandang boses.

Ang members ng grupo na sina Francis Paul Aglabtin, Benidict Padua Aboyme, Joshua Aday Torino at Joshua Lumbao ang pambato tuwing Sabado concert ng Eat Bulaga. Wala silang takot makipagsabayan sa mga kilalang icons gaya nina Pilita Corales, Imelda Papin, Lolita Carbon at marami pang iba.

At nitong last Saturday, ang naka-jamming ng Boadway Boys ang sinasa­bing the legend sa larangan ng folk songs, si Freddie Aguilar sa saliw ng bandang Watawat kung saan kasama ang dalawang anak ni Ka Freddie.

Si Ka Freddie ay parang bulkang pumutok ang pangalan nung panahon ng Marcos regime. Halos kapitbahay ko lang siya noon sa Pasay City at ang putok na putok noon ay ang kanta niyang Anak na halos araw-araw ay maririnig mo sa mga radyo kahit saan ka pumunta.

Hanggang sa ibang bansa ay hit na hit ang kanta niya at nagkaroon ito ng maraming version in 29 languages like German, Japanese, Chinese, at marami pang iba.

Ang unang nakapansin pala sa kantang Anak ay sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Si Tito Sen ang nag-produce nito sa plaka noong 1978, month of April, kaya very close si Ka Freddie kay Tito Sen at kina Vic and Joey. Saludo kami sa performance ng Broadway Boys at ni Ka Freddie na hanggang ngayon ay walang kupas ang ganda ng boses. Thumbs up 10 times!

Condolences…

Ang bilis ng takbo ng panahon. Ang tic tac ng relos ay nakikipag-unahan. Parang kailan lang.

Hindi kami makapaniwala sa nabalitaan na­ming noong isang araw, sobrang nakakalungkot ang trahedyang nangyari kay Isabel Granada sa bansang Qatar.

Prayers sa mga naulila ni Isabel, sa kanyang asawang si Arnel Cowley, anak na si Hubert, at sa kanyang Mommy Guapa na napakabait na ina.

Condolences po sa mga kaanak.

Eternal rest grant unto the soul of Isabel Granada, oh Lord, and let perpetual light shine unto her, may the soul of Isabel Granada rest in peace! Amen. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with