^

Pang Movies

Kris ka-M.U. ang supplier ng karne ng negosyong burger!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Walang takot at kahit mahirap na eksena, gagawin ni Kris Bernal para sa afternoon series niyang Impostora, at hindi siya nagpapa-double. Hindi ba siya natatakot?

“Natatakot din po, like iyong ikinulong ako sa kotse at ihuhulog sa bangin,” natatawang sagot ni Kris. “Nilalakasan ko na lamang po ang loob ko kasi mahirap kunan ang eksenang iyon at naroon ang possibility na mahulog nga ang kotse dahil nang kunan namin, umuulan-ulan pa.  Kaya kasama po ang dasal, habang ginagawa namin iyon.

“Hindi lamang po iyon ang mahirap na ginagawa ko, isa pa ay ang daily struggle ko habang nagti-ta­ping, ang pagpapalit ng role nina Nimfa at Rosette.  Pero masayang-masaya ako na sa akin ibinigay ng GMA 7 ang roles na ito. Kasi nararanasan ko rin ang ma­ging kontrabida, kung si Nimfa ay walang ginawa kung ‘di umiyak, si Rosette naman ay laging palaban, pero nahihirapan din po akong sabihin iyong mga pagmumura ko sa kapwa kong artista, kahit acting lamang iyon, hindi po kasi ako sanay sa ganoon,” mahabang litanya ni Kris sa kanyang role.

Hindi na nag-deny si Kris na she’s dating na for six months. Ayaw niyang sabihing boyfriend na niya, basta MU (mutual understanding) lang daw sila ng non-showbiz guy na ayaw niyang pangalanan. He’s a businessman at siyang nagsu-supply ng meat sa kanyang Meat Kris burger business.

“Kasi, at 28, gusto ko pong iyong susunod kong boyfriend, siya na ang last at magiging asawa ko. Pero sa ngayon priority ko po muna talaga ang work ko at ang business ko.  Nagpunta po ako sa Korea, dahil gusto kong dagdagan iyong Meat Kris business ko. Nag-observe ako roon, kumain ako nang kumain ng dishes nila roon. Nakita ko kasi na ang mga Pinoy, mahilig sa rice, kaya hindi pwedeng ang burger ko lamang ang kakainin nila lagi. So, nag-decide na akong soon magtayo na ako ng restaurant na mga Korean dishes ang isi-serve namin.  Seoul Meat at ka-back-to-back ng Meat Kris ko na dalawang kiosks na meron ako.”

Very successful na si Kris sa work niya, sa business niya, may guy na sa buhay niya, so, ano pa ang mahihiling niya?

“Wish ko po talaga na manalo ng award. Ten years na po ako sa industry at marami na rin akong nagawang teleserye, pero naniniwala po ako na matatawag lamang akong actress kung mananalo na ako ng award. Iyon po ang dinadasal ko talaga.”

Xander babalikan ang eskuwelahan

Sinamantala ni Korean actor Alexander Lee ang pagpunta ng Europe ng ka-love team sa My Korean Jagiya na si Heart Evangelista-Escudero

Umuwi rin muna siya ng ilang araw sa kanila sa South Korea dahil nami-miss na rin niya ang mother at sister niya na matagal-tagal na ring hindi niya nakikita dahil tuluy-tuloy ang taping niya rito.

Masaya si Xander dahil love na love na siya ng Filipino fans niya at ayaw na nga siyang pabalikin sa Korea. Enjoy naman siya sa mga ginagawa niya rito plus natututo na siyang magsalita ng Tagalog. Pero after ng one year contract niya sa GMA Network kailangan na niyang bumalik ng Korea para tapusin ang kanyang studies doon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with