^

Para Malibang

Pauleen napaaga ang pag-ire!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Congrats kina Vic Sotto at Pauleen Luna dahil sa kanilang bouncing baby girl na napaaga ang paglabas.

Maligayang-maligaya si Bossing sa announcement nito kahapon na nanganak na ang misis niya at malusog ang baby.

Binati muna ni Bossing si Pauleen ng “Happy birthday” na ipinagtaka ni Allan K. na walang kamalay-malay na nagsilang na ng anak ang co-host niya sa Eat Bulaga.

Early delivery ang nangyari kaya nasorpresa ang lahat sa announcement ni Bossing na nag-promise na ibabahagi nila sa viewers ng Eat Bulaga sa mga susunod na araw ang mga litrato ng bagets.

Hindi pa sinabi ni Bossing ang name ng panganay na anak nila ni Pauleen pero bakas na bakas sa mukha niya ang sobrang kaligayahan.

Natawa ang lahat sa pralala ni Bossing na“makamandag pa rin ako” na may bahid naman talaga ng katotohanan dahil tatay na uli siya sa edad na 63.

Marian may mga bagong kalaban

May mga bagong karakter na ipapakilala sa Super Ma’am, ang primetime teleserye ni Marian Rivera sa GMA 7.

Siyempre, wala ako sa posisyon para i-reveal ang mga special guest sa Super Ma’am pero kaabang-abang ang participation nila sa mga susunod na episode ng fantasy action television series ni Marian.

Sila ang mga bagong makakalaban ng super heroine character ni Marian sa Super Ma’am.

Homecoming ni Winwyn pinaghahandaan ng Parañaque

Nag-take over na si Winwyn Marquez sa Facebook page ng Reina Hispanoamericana dahil siya na ang nagpo-post ng kanyang mga litrato at updates mula nang mapanalunan niya ang korona noong Sabado, November 4.

May mga nagtatanong kung kailan babalik si Winwyn sa Pilipinas mula sa Bolivia. May feeling ako na malapit nang umuwi si Winwyn dahil may nagbalita sa akin na magkakaroon siya ng special participation sa 30th anniversary fashion show ng Bench sa November 18.

Sigurado na pinaghahandaan ng mga residente ng Parañaque City ang homecoming ni Winwyn dahil malaki ang kontribusyon nila sa pagsali ng aktres sa Reina Hispanoamericana.

Ang pagkakaintindi ko, nagbigay ng financial help ang City of Parañaque para may kasama si Winwyn sa biyahe nito sa Bolivia noong October 19.

Ang kapatid na si Yeoj at ang isang tita nila ang mga chaperone ni Winwyn sa Santa Cruz dela Sierra, Bolivia.

Alex hindi nanghihinayang sa pinakawalang P2 million

May mga nanghihinayang dahil tumanggi si Alessandra de Rossi sa mga television commercial na mil­yones ang talent fee.

Huwag na kayong manghinayang dahil hindi nga nagsisi si Alessandra sa desisyon niya, kayo pa kaya?

May sariling isip si Alessandra kaya dapat na igalang natin ang prinsipyo niya. Sa true lang, nakakabilib siya dahil sa kanyang paninindigan at power na tanggihan ang offer. Bihira na ngayon ang ganyan sa mga artista dahil karamihan sa kanila eh nagiging praktikal sa buhay.

Suportahan na lang natin ang mga gusto ni Alessandra, pati na ang kanyang pelikula, ang 12 na showing na bukas sa cinemas nationwide. Ang sabi ng Viva Films executives, must-see movie ang 12 dahil napakaganda ng pelikula, kahit dalawa lang ang mga karakter mula sa umpisa hanggang sa ending.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with