^

Pang Movies

Ex-hubby at current mister ni Isabel, parehong nagpapasalamat

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Dalawang mukha talaga ang entertainment world.

Kahapon, early Sunday morning, November 5, kinumpirma na ni Arnel Cowley ang pagpanaw ng asawa niyang si Isabel Granada, 41, sa Doha Qatar. Four hours silang late sa Pilipinas.

Morning of November 5 din naman nalaman dito sa atin mula sa Sta. Cruz de la Sierra sa Bolivia, na nanalong first Filipina to win the Reina Hispano­americana title ang ating representative sa beauty pageant, si Winwyn Marquez aka Teresita Ssen Marquez. Ginanap ito last November 4 pero late sila ng 12 hours sa atin.

Mga labi ni Isabel hinihintay na ng mga kasamahan sa that’s...

Nag-post agad si Arnel Cowley ng confirmation niya sa Facebook:  “It is with great sadness that my wife Isabel Granada has peacefully passed here in Doha, Qatar.”

Nag-post din naman agad ang former husband ni Isabel na si Jericho Genasky Aguas sa kanyang Instagram account: “Malaki ang naging parte mo sa aking buhay.  Binigyan mo ako ng isang gwapo’t matalinong anak, makulay ang 14 yrs nating pagsasama. Sa lahat... mula sa aking puso’t kaluluwa...maraming maraming salamat... pahinga ka na... paalam Isa...”

Isa rin sa unang nag-post sa Twitter ng kalung­ku­tan niya sa pagpanaw ni Isabel si Maine Mendoza, at 1:30AM November 5: “Nakakalungkot naman...may you rest in peace, Ms. Isabel.  Deepest condolences to her family and loved ones.”

Hindi makakalimutan ni Maine si Isabel na sumali noon sa isang segment ng long-running noontime show ang Eat Bulaga, na Challenge Accepted. Mga celebrities ang naglalaban-laban doon na ang mga contestants, every week ay mag­pi-perform sila ng assigned na theme at tuwing Saturday, may weekly finals.  Si Isabel ay sumali na ang theme ay isang taong grasa, at may kasama itong performance. Sa kabuuan ng contest si Isabel ang nanalo sa grand finals.

Hindi iyon ang unang pagkikita nina Isabel at Maine. Nang magkaroon ng bagong segment sa EB, ang #DabarkadsGoals: The Ultimate Battle, isa sa contestants ang Team Alarma nina Ryan Agoncillo at Maine ang magka-partner.  Sa grand finals, nakalaban nila ang team nina Luane Dy at Miggy ng That’s My Bae. Isa si Isabel na kilalang isang mahusay na dancer noon pang time nila ng That’s Entertainment sa mga judge noong July 25, na ang nanalo ay ang Team Alarma. Wala man si Ryan dahil may sakit noon, pero mahusay na nakapag-perform si Maine at nagkaisa ang mga judges na si Maine at ang kanyang team ang manalo.

Hinihintay na ang pagbabalik dito ni Isabel ng mga kasama niya sa That’s Entertainment na matagal silang nagkasama-sama noon. Our condolences to the family of Isabel at kay Mommy Guapa.                                                                                             

Barbie at Ken aktibo sa promo

Ang sipag mag-promote nina Barbie Forteza at Ken Chan ng first movie team-up nila sa Regal Multi-Media, ang This Time I’ll Be Sweeter. Sunud-sunod ang kanilang successful mall shows in Metro Manila and provinces. Kahapon ay dedicated ang Sunday PinaSaya para sa promo ng movie, at present ang buong cast, kasama sina Thea Tolentino, Kim Rodriguez, Akihiro Blanco, Kaki Ramirez, at Fiona Yang. Ilang segments ng show ang nag-participate sina Ken at Barbie, sa katuwaan ng fans nila.

In-announce na rin nina Barbie at Ken sa show na mamayang gabi na ang red carpet premiere night sa Cinema 7 ng SM Megamall at 7:00PM.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with