^

Pang Movies

Kabaitan ni Isabel markado!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ang buong industriya ay nagluluksa ngayon sa pagyao ng isang mahusay at mabait na aktres/singer na si Isabel Granada. Pumanaw siya nitong nakaraang Sabado ng gabi, Nov. 4, matapos ang halos dalawang linggong pagkaka-comatose sa Doha, Qatar. She was 41.

After the announcement ay bumu­hos na sa social media ang simpatiya at pakikiramay mula sa showbiz industry lalo na nga mula sa entertainment press na nakasalamuha ni Isabel mula noong nagsisimula pa lang siya hanggang ngayon. Lahat ay nagpapa­tu­nay kung gaano kabait na tao ang aktres at kung gaano kabu­ting kaibigan.

Napaka-touching din ng mensahe ng dating ka-love­team ni Isa na si Chuckie Dreyfus, who from day 1 ay laging naka-monitor sa kalagayan ng aktres at nagdadasal para sa kaligtasan nito.

“Maraming salamat sa lahat ng pagkakataon na nagkasama tayo. Sa lahat ng panahon na pinasaya mo ako at ang pamilya ko. Sa pagmamahal na lagi mong pinaramdam sa akin ng buong puso.

“Sa bawat tawa, bungisngis, kurot at hampas sa akin na hindi ko makakalimutan.

“Kasama mo nawala ang napakalaking parte ng buhay ko na kailanman hindi ko na maibabalik.

“Ayoko pa rin maniwala.

“Sana sa panaginip man lang makita at makausap kita kahit papaano. Kahit man lang doon.

“Paalam, Isa. Mahal na mahal na mahal kita,” ang post ni Chuckie.

Nag-post din si Kris Bernal ng kanyang pagluluksa sa pagyao ng itinuturing niyang first sister in the industry.

“Posting this with a lot of grief.  My very first sister in the industry who was always by my side, who was there to support me, no matter what network she was in. My Ate Isabel, I will never forget your cheerful personality and big heart. I will miss you for all that you taught me and for all those beautiful moments that we made. We know that God has you in His glory, rest in peace my sister. I love you so much,” Kris posted.

Madamdamin din ang post ng close friend ni Isa na si Bianca Lapus.

“Heaven just gained another Angel.... Rest in peace sis Isabel Granada i am thankful for the 2 decades of friendship we had. Ok lang kahit di na tuloy ang date natin at inuman ng guyabano juice at pagtatawanan natin na after i gave birth hindi na kasya sakin ang costume natin sa play na Noli Me Tangere kung saan nag alternate tyo as maria clara at tinanggap ko yung role ko na mermaid sa Halik ng Sirena dahil sa iisang rason na ikaw ang bida dun kahit hirap na hirap ako sa buntot ko at muntik malunod tapos tawa ka ng tawa. Yung tawa mo, yun ang gusto ko tandaan ngayon kasama ng pambansang eyelashes mo ... Ang importante hindi ka na nahihirapan. No more pain. I know you fought sis. Pahinga ka na. Mahal kita,” ang post ni Bianca.

Napaka-touching din ng post ng dating aktor na si Robert Ortega at nakasama ni Isabel during younger years sa That’s Entertainment.

“Let me just start by stating the obvious, I Miss You. We have been friends for 3 decades, and dealing with your untimely demise is evidently not something im prepared for at all. They say that everyone enters your life for a reason? that is true. You have contributed to who I am in some way, shape or form, and for that I am grateful. To my beautiful friend, kumare, loveteam who was taken too soon, I love you and miss you!” post ni Ro­bert.                   

Maine Mendoza also posted this: “Nakakalungkot naman... may you rest in peace, Ms. Isabel. Deepest condolences to her family and loved ones.”

Maging si Winwyn Marquez na kasalukuyang nasa Bolivia para sa Reina Hispanoamericana Pageant  (and won) ay nagawa ring maisingit na mag-post ng kanyang pakikiramay.

“Rest in Peace ate Isabel. . . we love you,” ang post ni Winwyn.

Post naman ni Assunta de Rossi, “I really thought Isabel Granada would pull through. My heart goes out to her family, especially her young son. RIP.”

Nagpahayag din ng kanilang pakikiramay sa social media sina Lea Salonga, Marvin Agustin, Lovi Poe, Maxene Magalona, Jaya, Pia Magalona, Jim Paredes, atbp.

Bumuhos sa social media ang hashtags na #PaalamIsabelGranada, #PaalamIsa, #RIPIsabelGranada, #RestInPeaceIsa, #weloveyouisa, #wewillmissyouisa, #gonetoosoon among others.

Bukod sa kanyang asawa, naulila ni Isabel ang kanyang inang si Isabel Castro Granada o Mommy Guapa sa showbiz at ang kanyang 14-year-old son na si Hubert Thomas Jericho.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay umalis na ng Doha, Qatar si Jericho, Mommy Guapa and Hubert pabalik ng Pilipinas at inaasahang dumating sa bansa kagabi at 10:45 p.m.

Nakatakda namang dumating ang mga labi ni Isabel sa bansa sa Huwebes dahil may inaasikaso pa raw na papeles.

Taos-puso po kaming nakikiramay sa lahat ng naulila ni Isabel at dalangin nami’y makayanan ni Mommy Guapa ang napakalaking dagok na ito sa kanyang buhay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with