^

Pang Movies

Vilma papapel sa MMFF!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pagbalik ni Congresswoman Vilma Santos mula sa Hongkong, kung saan ilang araw din naman siyang nagbakasyon kasama ang kanyang pamilya para mag-celebrate privately ng kanyang birthday. Sinasabi niyang haharapin naman niya ang kanyang partisipasyon sa Metro Manila Film Festival. Kung natatandaan pa ninyo, inimbita siya ng MMDA para makasama sa executive committee ng MMFF, at tinanggap naman niya iyon. Pero iyon nga ang medyo malungkot naman, hindi pa niya mahaharap ang gumawa ng sarili niyang pelikula.

“Noong una naman kasi puro iyong mga technical committees pa lamang ng MMFF ang talagang nagtatrabaho. More or less naman kasi, maliwanag na ang mga rules niyan, at alam na naman ng mga taong iyon kung ano ang kanilang gagawin dahil ilang taon na nilang ginagawa ang ganyan. Bale iyong mga decisions na kailangang gawin ng mga members ng execom, doon pa lang iyon sa talagang festival na, at saka very minimal na lang iyon, kasi nga may mga naka-set ng standards.

“Siguro kung magkakaroon na lang ng problema, at saka nila tatawagin iyong execom para gumawa ng decisions, pero ang paniwala ko wala namang problema ngayon ang MMFF kasi clearly defined naman ang lahat ng mga rules nila,” sabi ni Ate Vi.

Pero iyong pelikula talaga bang wala pa siyang napipili sa dami ng nakatambak sa kanyang mga script sa ngayon?

“Alam mo, I could say na ang lahat ng mga script na nasa akin, magaganda. Siguro kung kagaya lang noon na nakakagawa ako ng mga apat na pelikula isang taon, ginawa ko nang lahat iyan. Pero kagaya nga ng sinabi ko, ang priority ko kasi sa ngayon iyong tungkulin ko sa Batangas, kaya hindi pa ako makagawa ng pelikula. Ayoko naman noong mawawala ako sa sesyon tapos ang dahilan lang gumagawa ako ng pelikula. Sa nangyayari naman ngayon, nagkakaroon ako ng pagkakataon na makapaghintay at makapamili pa kung may mas maganda. Pero sinasabi ko nga sa mga producer na kumakausap sa akin, nasa kanila iyon kung gusto nila akong hintayin, honest naman kasi ako sa pagsasabing masyadong limitado ang oras ko. Kaya kung kailangan na nilang gawin ang mga project nila, ok lang na ibigay na muna nila sa iba,” sabi pa ni Ate Vi.   

Sunshine ayaw nang alalahanin ang koneksiyon kay Cesar

Natawa kami roon sa isang statement ni Sunshine Cruz sa kanyang social media account.

Sabi niya, “gusto ko lang pong ipaalala sa inyo na limang taon na kaming hiwalay ni Cesar Montano, at may kanya-kanya na rin naman kaming buhay sa ngayon. Palagay ko pareho naman kaming naka-move on na, iyon nga lang wala pa kaming annulment, pero wala na kaming kuneksiyon talaga”.

Nasabi iyan ni Sunshine dahil sa isang comment na nagsasabing hindi raw kaya name-miss ng dati niyang mister ang ganoong okasyon, na nagbabakasyon siya kasama ang kanyang mga anak. Bale dapat nga naman ay affair iyon ng isang buong pamilya.

“Wala na po iyon, dahil kanya-kanya na kaming buhay ngayon,” sabi pa ni Sunshine.

Star Wannabe, naniningil sa photoshoot

Nakausap daw ni direk ang isang wannabe. May hitsura naman daw, kaya sabi ni direk, “puwede”. Sinabihan siya ni direk na mag-pictorial para makita ang kanyang rehistro sa camera. Nagtanong daw ang wannabe, sino ang make up artist at sino ang photographer? Sabi pa raw noon, magkano ba ang talent fee sa photoshoot, kasi iyon daw ibang kumukuha sa kanya binabayaran siya. Hindi na sumagot si direk.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with