^

Pang Movies

Child support waived na rin ayon sa korte! James tanggal na sa pagiging tatay kay Bimby!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ipinagtapat ni Kris Aquino sa kanyang mga followers sa Instagram na nasaktan nang husto ang anak nila ni James Yap na si Bimby sa sinabi ng basketbolista in one of his interviews.

Sa thread kasi ng isa sa mga post niya ay may nagtanong kung home schooled si Bimb since lagi niya itong kasamang mag-travel na kinumpirma naman ni Kris.

Then, someone commented na baka akala raw ni James ay sinadya ni Kris na i-home school si Bimby para hindi nito madalaw sa school.

Sagot ni Kris, “Honestly at this point CARE BEARS. . . it hurt Bimby deeply when his dad said nakakawalang ganang magpaka ama sa kanya…so anyway Custody was granted to me & I waived child support regardless of compromise agreement from our very fair family court judge, judge Cris Sulit…so we live our life peacefully – mantra ko ‘yun – I cannot control how others will behave or react but I can control myself & be the best mom possible.”

Marami ang pumuri sa sagot ni Kris at ang ending, ang daming nang-bash sa nag-comment.

Simpleng taray naman ang sagot ni Kris nang may mag-comment na laos na siya.

“Please wait for my ITR filing, April 15, 2018 – the commas are still in at the right places,” sagot ni Kris.

Kaaliw! Alessandra ipinagpapasa-Diyos ang pagpapakasal

Masaya si Alessandra de Rossi na naririto ngayon sa Pilipinas ang ina niyang si Nenita Schiavone dahil mapapanood daw nito ang latest film niyang 12 under Viva Films.

“Saktung-sakto ‘yung pag-uwi niya, dahil noong Kita Kita (ang huli niyang pelikula prior to 12), hindi niya napanood, wala siya rito. Sakto namang pag-uwi niya, palabas naman ‘yung isang movie. So nasa tamang oras siya,” sey ni Alex sa special screening ng 12 held last Monday sa UP Film Center.

More than a year na raw silang hindi nagkikita ng mommy niya pero ang maganda this time, dito magpa-Pasko ang ina kaya masaya ang kanyang Christmas.

When asked kung hindi ba siya tinatanong ng mommy niya kung kelan siya mag-aasawa, sagot ng aktres, “Siyempre lagi naman siyang ganyan, 18 pa lang ako, ‘hoy, mag-asawa ka na, mag-asawa ka na’, because alam niya na mag-isa ako sa bahay, mag-isa ako sa buhay, so, siyempre, wala naman sigurong magulang na gustong ganu’n (mag-isa), gusto nila, may mag-aalaga sa anak nila.”

Ano naman ang isinasagot niya sa mommy niya?

“Natatawa ako. Ganu’n lang, tatawanan ko lang siya”.

Kelan ba niya talaga planong mag-asawa?

“’Pag trip ko na,” natatawa niyang sagot.

“Ano, mag-aasawa ako pag trip n’yo?” sambit pa niya.

Ayon pa kay Alex, noon daw ay sinasabi niya na 25 years old ang tingin niyang right age for her to get married.

“Gusto ko talagang mag-asawa (ng) 25, para bagets pa ako ‘pag nagkaanak, para puwede pang magkaroon ng maraming anak, kaya lang, hindi ‘yun ang ibinigay ni God sa akin.

“So, hindi ko rin naman puwedeng… alam mo ‘yun, pangunahan ‘yung gusto Niya. Iba ‘yung gusto ko, iba yung gusto Niya. Eto ‘yung ginusto Niya for me, na at 33, single. Hindi natin alam kung bakit. Pero wala akong issue sa kanya,” pahayag ng aktres.

Tulad din ng role ni Alex sa 12, todo rin daw siya kung magmahal at alam niyang napakaraming babaeng makaka-relate sa kanyang karakter dito.

Kasama ang newcomer na si Ivan Padilla bilang kanyang leading man, showing na ang 12 sa Nov. 8 mula sa direksyon ni Dondon Santos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with